Albumin

Ang albumin ay mga substansiya na bumubuo ng isang uri mga protina. Mayroon silang masalimuot na mga katangian. Naglalaman ang mga ito ng karbon, hidroheno, oksiheno at sulpura. Natutunaw ang mga ito sa tubig at nakukulta o namumuo dahil sa init. Ang albumin ay pumapasok nang napakalaki sa kabuoan ng protoplasma na bumubuo ng mga buhay na selula, at nailarawan bilang batayang pisikal ng buhay. Ang albumin ng itlog ay halos binubuo ng albumin, na natuklasan din na nalulusaw sa pluwido ng dugo bilang serum albumin. [1]

Mga sanggunian

  1. Robinson, Victor, Ph.C., M.D. (patnugot). (1939). "Albumin". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York)., pahina 23.