Ang mga nitsong Etrusko mula ika-8-ika-6 na siglo BK ay natagpuan sa mga burol sa hilaga ng Trevignano. Ang mga napangalagaang mga artipakto mula sa dalawa sa mga libingang ito ay ipinapakita sa lokal na Romanong Etruskong Museo.
Ang kastilyo ay itinayo bandang 1200 sa pamamagitan ng utos ni Papa Inocencio III, at kalaunan ay pinalakas ng Orsini. Dati itong mayroong 3 patong ng napakalaking pader, ngunit ang pagkubkob ni Cesare Borgia noong 1497 at kasunod na mga lindol ang bumawas sa mga estruktura sa isang kalagayang hindi na lubos na maaayos.