Thermal printing

Isang thermal printer
Karaniwang nakaimprenta ang mga bayarin at resibo sa papel na termal[1]

Ang thermal printing (o direct thermal printing, literal sa Tagalog: pag-iimprentang termal o pag-iimprentang diretsong termal) ay isang proseso ng digital printing na nag-iimprenta ng mga imahe sa pamamagitan ng pagpasa ng papel na may thermochromic coating (termokromikong balot), karaniwang kilala bilang thermal paper o papel na termal, sa ibabaw ng print head na binubuo ng maliliit na mga elementong pinainit ng kuryente. Nagiging itim ang balot nito sa bahagi na umiinit ito, na nakapaggagawa ng isang imahe.

Karamihan monochrome o monokromo (itim at puti) ang mga thermal printer bagama't mayroong ilang dalawang kulay na disenyo.

Ibang paraan ang thermal transfer printing, na ginagamit simpleng papel na may ribon na sensitibo sa init sa halip na papel na sensitibo sa init, ngunit gumagamit ng mga katulad na print head.[2]

Disenyo

Thermal Print Head

  Ang isang thermal printer ay karaniwang binubuo ng hindi bababa sa mga bahaging ito:

  • Thermal head o ulong termal: Gumagawa ng init upang lumikha ng isang imahe sa papel
  • Platina: Isang rubber roller na gumagalaw sa papel
  • Spring o muwelye: Naglalagay ng presyon upang hawakan ang papel at print head nang magkasama
Thermal print head sa mataas na magnification

Hinahaluan ng marami ang papel na termal ng halong may katayuang solidong pangkulay at isang angkop na matrix, halimbawa, isang pangkulay na fluoran leuco at isang asidong octadecylphosphonic. Kapag pinainit ang matrix sa itaas ng punto ng pagkatunaw nito, tutugon ang pangkulay sa asido, lumilipat sa may kulay na anyo nito, at ang binagong anyo ay mananatili sa metaestable na estado kapag ang matrix ay mabilis na nagpapatatag pabalik, isang proseso na kilala bilang thermochromism o termokronismo .

Karaniwang monokromo ang prosesong ito, ngunit mayroong ilang dalawang kulay na disenyo, na maaaring mag-imprenta ng parehong itim at karagdagang kulay (kadalasang pula) sa pamamagitan ng paglalapat ng init sa dalawang magkaibang temperatura.

Upang makapag-imprenta, ipanpasok ang papel na termal sa pagitan ng ulong termal at platina. Nagpapadala ang printer ng daloy ng kuryente sa mga elementong nagpapaiint ng ulong termal. Pinapaaktibo ng init na nabuo ang termokromikong patong ng papel, na nagiging dahilan upang maging isa itong tiyak na kulay (halimbawa, itim).

Ang mga thermal print head ay maaaring magkaroon ng resolusyon na hanggang 1,200 tuldok bawat pulgada (dots per inch). Ang mga pinainit na elemento ay karaniwang nakaayos bilang isang linya ng magkakalapit na mga maliliit na tuldok.

Ang mga maagang pormulasyon ng balot na sensitibo sa init na ginamit sa papel na termal ay sensitibo sa hindi inaasahang init, kaskas, pagkiskis (na maaaring magdulot ng init, na nagpapadilim sa papel), liwanag (na maaaring kumupas ng mga naka-imprenta na larawan), at tubig. Kalaunan, ang mga bagong pormulasyon ng balot na termal ay mas matatag; sa mga pagsasanay, ang tekstong nakaimprenta sa pamamagitan ng termal ay dapat manatiling nababasa ng hindi bababa sa 50 araw. 

Mga aplikasyon

Isang thermal printer na ginagamit sa pagsasaliksik sa dagat

Ang mga thermal printer ay nag-iimprenta ng mas tahimik at kadalasang mas mabilis kaysa sa mga impact dot matrix printer. Ang mga ito din ay mas maliit, mas magaan at kumukonsumo ng mas kakaunting enerhiya, na perpekto para sa mga portable (o nalilipat kahit saan) at tinging aplikasyon. Kasama sa mga komersyal na aplikasyon ng mga thermal printer ay ang mga bomba ng gasolinahan, mga kiosk ng impormasyon, sistemang point-of-sale, voucher printer sa mga slot machine, print-on-demand na mga etiketa para sa ipinapadala at mga produkto, at para sa pagrekord ng mga live na rhythm strip sa mga pag-monitor ng puso sa ospital.

Maraming sikat na mga sistemang mikrokompyuer mula sa huling bahagi ng dekada 1970 at unang bahagi ng dekada 1980 ang may first-party at aftermarket na thermal printer tulad ng Atari 822 printer para sa sistemang 8-bit ng Atari, ang Apple Silentype para sa Apple II at ang Alphacom 32 para sa Sinclair ZX Spectrum at ZX81. Madalas silang gumamit ng mga panustos na may hindi karaniwang laki (halimbawa, 10CM ang lapad na mga rolyo para sa Alphacom 32) at kadalasang ginagamit para sa paggawa ng mga permanenteng talaan ng impormasyon sa kompyuter (graphiko, mga listahan ng programa atbp.), sa halip na para sa pagsusulatan.

Noong dekada 1990, maraming fax machine ang gumamit ng teknolohiyang thermal printing. Sa simula ng ika-21 siglo, gayunpaman, ang thermal wax transfer, laser, at teknolohiyang inkjet printing ay higit na napalitan ang teknolohiyang thermal printing technology sa mga fax machine, na nagpapahintulot sa pag-imprenta sa simpleng papel.

Ang mga thermal printer ay karaniwang ginagamit sa paggalugad ng ilalim ng dagat at heolohiyang inhinyeriya dahil sa kanilang kakayahang mailipat kahit saan, bilis, at kakayahang gumawa ng tuluy-tuloy na mga rolyo o piraso. Karaniwan, ang mga thermal printer na matatagpuan sa mga aplikasyong malayo sa pampang ay ginagamit upang mag-imprenta ng mga saktong oras na tala ng side scan sonar at sub-seafloor seismic imagery. Sa pagpoproseso ng mga datos, minsan ginagamit ang mga thermal printer upang mabilis na gumawa ng mga kopyang pisikal ng tuluy-tuloy na sismiko o hidrograpiko na mga tala na nakaimbak sa dihital na anyong SEG Y o XTF.

Ang mga istrip ng progreso ng paglipad na ginagamit sa kontrol ng trapiko sa himpapawid ay karaniwang gumagamit ng teknolohiyang thermal printing.

Ang Game Boy Printer, na inilabas noong 1998, ay isang maliit na thermal printer na ginamit upang mag-print ng ilang elemento mula sa ilang mga laro ng Game Boy.

Sa maraming ospital sa Reino Unido, maraming karaniwang kagamitang ultrasound sonogram ang naglalabas ng mga resulta ng pag-scan sa thermal paper. Maaari itong magdulot ng mga problema kung nais ng mga magulang na mapanatili ang imahe sa pamamagitan ng pag-laminado nito, dahil ang init ng karamihan sa mga laminador ay magpapadilim sa buong pahina—maaari itong masuri ng maaga sa isang hindi mahalagang thermal print. Ang isang opsyon ay gumawa at maglaminado ng permanenteng tinta na parehas ng imahe.

Mga alalahanin sa kalusugan

Nagsimulang lumabas ang mga ulat ng mga pag-aaral noong dekada 2000 sa paghahanap ng kemikal na nauugnay sa oestrogen bisphenol A ("BPA") na may halong termal (at iba pa) na mga papel. Bagama't hindi tiyak ang mga alalahanin, iba't-ibang mga organisasyong nakatuon sa kalusugan at agham na pampolitikang nagprepresyur gaya ng Environmental Working Group na nagdidiin na alisin ang mga bersyong ito sa merkado.[3]

Mga sanggunian

  1. "Receipt Paper: Why It Fades and How to Restore It?". Panda Paper Roll (sa wikang Ingles). 2018-12-10.
  2. "What Are Direct Thermal and Thermal Transfer Printers?". www.buyprinterlabels.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-12-07. Nakuha noong 2022-06-27.
  3. "Concerned About BPA: Check Your Receipts" (sa wikang Ingles). Science News. Nakuha noong 2021-04-19.