Nakaayos ang talaan ng mga tulay sa Tsina ayon sa mga lalawigan at kasama rito ang mga kilalang tulay. Ang Tsina ay may mahabang kasaysayan sa pagtatayo ng tulay. Ang pinakamatandang tulay na umiiral pa rin hanggang ngayon ay ang Tulay ng Anji na itinayo sa pagitan ng mga taong 595 at 605 Pagkatapos ni Kristo (P.K.),
Sa panahon ng paglago ng imprastraktura sa loob ng nagdaang dalawang dekada, ang pagtatayo ng tulay ay nagpatuloy sa napakabilis na hakbang sa malawak na saklaw. Bago ang pagtatayo ng Tulay ng Ilog Yangtze sa Wuhan noong 1957, walang mga tulay sa ibabaw ng Ilog Yangtze na pinakamahabang ilog ng bansa, mula Yibin hanggang Shanghai, at lahat ng mga panlupang daan at daambakal na tumatawid sa 2,884 na kilometro (o 1,792 milyang) kahabaan ng nabanggit na ilog ay kinailangan pang ihatid sa mga sasakyang pang-ilog. Mayroon lamang pitong (7) mga tulay sa ilog noong 1992, ngunit ang bilang na ito ay lumago sa 73 pagsapit ng katapusan ng taong 2012, kabilang ang walong mga tulay na binuksan noong taong iyon.