Ang tagapamagitang pangkapayapaan at tagapangalaga ng kapayapaan ay mga taong "kasangkapan" na may kaugnayan sa pamamagitan, pangangasiwa, pag-iingat ng kapayapaan. Isang taong tagapamagitan para sa pagkakaroon ng kapayapaan ang tagapamagitang pangkapayapaan, samantalang mas nasasangkot ang mga tagapangalaga ng kapayapaan sa pagpapanatili ng kapayapaan sa isang pook, pamayanan, o bansa. Tinatawag din ang tagapangalaga ng kapayapaan bilang tagapangasiwa ng kapayapaan o tagapag-ingat ng kapayapaan.[1] Sa Bagong Tipan, ang anak ng kapayapaan ay tumutukoy sa isang wikaingHebreo na nangangahulugang isang taong may magandang kalooban na nakahandang tumanggap ng mga biyaya para sa kaluluwa at katawan.[2]