Ang Stazzema ay isang komuna (munisipalidad) na kabilang sa Lalawigan ng Lucca, sa hilagang Toscana, Italya na matatagpuan mga 80 kilometro (50 mi) hilagang-kanluran ng Florencia at mga 25 kilometro (16 mi) hilagang-kanluran ng Lucca.
Kasaysayan
Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang nayon ng Sant'Anna di Stazzema ay ang lugar ng isang masaker sa populasyong sibil ng mga sundalong SS ng Aleman at ng Italyanong Black Brigades (12 Agosto 1944). May kabuuang 560 katao ang pinatay, kabilang sa mga ito ang 100 bata, isa sa kanila ay 20 araw pa lamang. Nakatanggap ang lungsod ng Medalyang Ginto para sa Kagitingang Militar pagkatapos ng digmaan.