Ang Minucciano ay isang komuna (munisipalidad) sa Lalawigan ng Lucca sa rehiyon ng Toscana ng Italya, na matatagpuan mga 90 kilometro (56 mi) hilagang-kanluran ng Florencia at mga 45 kilometro (28 mi) hilagang-kanluran ng Lucca.
Ang bayan ay kinuha ang pangalan nito mula sa Romanong konsul na si Quinto Minucio Termo, ngunit dati ang lugar ay tinawag na Saltus (ebidensya ng mga Romanong pamayanan ay ilang archaeological finds at ang toponym na nagpapakita ng isang Fundus Minuccinus).