Ang Santa Passera ay isang simbahan sa timog ng Roma sa kabilang pampangan ng kurba sa Ilog Tiber mula sa Basilika ni San Pablo Extramuros. Ang kasalukuyang simbahan, na itinayo noong ikasiyam na siglo, isinama ang isang Romanonglibingan. Ang simbahan ay nagsilbi sa isang maliit na komunidad ng mga minero na nagtatrabaho sa mga minahan ng tuff ng kalapit na mga burol.
Napanatili sa loob ang labi ng mga medyebal na mga fresco.
Pangalan
Walang Saint Passera. Ang pangalan nito ay isang lingguwistika na korupsiyon ng "Abbas Cyrus" ("Padre Cyrus"), sa pamamagitan ng Abbaciro, Appaciro, Appacero, Pacero, Pacera, at sa wakas ay naging Passera.[1] Ang pangalang ito ay tumutukoy sa mga Ehiptong santo na sina Ciro at Juan, na ang mga labi ay dinala sa Roma noong ikalimang siglo.