Ang San Gervasio Bresciano (Bresciano: San Gervàs) ay isang comune (komuna o munisipalidad) sa lalawigan ng Brescia, sa rehiyon ng Lombardia, hilagang Italya. Ang mga punto ng interes ay ang "Bosco del Lusignolo" at ang akwatikong liwasag "Le Vele". Ang San Gervasio Bresciano ay kilala rin sa pagdiriwang nito, ang "Sagra di San Gervasio e della bassa", kung saan ang isa ay makakahanap ng mga tradisyonal na pagkain at produkto ng rehiyong iyon.
Kasaysayan
Ayon kay Mazza, ang mga natuklasan sa pook mula sa panahon ng mga Romano ay nagbibigay ng posibilidad na mayroong isang paninirahan mula sa panahong iyon. Batay sa muling pagtatayo ni Tozzi (1972), ang ika-41 na decumano ay dumaan sa hilaga ng kasalukuyang bayan, habang ang ika-26 na cardo ay dumaan sa malapit.[4]
Ang lugar ay nagsimulang tirahan mula sa ikapitong siglo, sa pagbuo ng isang hukuman sa mga kasalukuyang lokalidad ng Casacce at Baite.[5]
Karamihan sa teritoryo ay pag-aari ng kabanata ng katedral ng Brescia, hanggang 1797, nang ang mga ari-arian na ito ay kinumpiska at ibinenta ng Republika Cisalpina.[6]