Ang Rhêmes-Saint-Georges (Valdostano: Sèn Dzordze de Réma) ay isang bayan at comune (komuna o munisipalidad) sa rehiyon ng Lambak Aosta sa hilagang-kanlurang Italya.
Kasaysayan
Noong 1972, natuklasan ang isang silid na imbakan ng Huling Panahong Bronse sa nayon ng Cachoz.[4][5]
Noong 1928, pinagsanib ng pasistang pamahalaan ang dalawang munisipalidad ng Rhêmes-Notre-Dame at Rhêmes-Saint-Georges sa iisang munisipal na entidad (Rhêmes, kasama ang Rhêmes-Saint-Georges bilang kabesera nito). Noong 1939 ang pangalan ng munisipalidad ay ginawang Italyano bilang Val di Rema at ang kabesera nito bilang San Giorgio di Rema.
Pagkatapos ng Pagpapalaya, noong 1946, ang dalawang munisipalidad ay muling nabuo at binawi ang kanilang mga dating pangalan.
Simbolo
Ang eskudo de armas at ang watawat ay ipinagkaloob sa pamamagitan ng Dekreto noong Agosto 7, 1990.[6]