Ang Champdepraz (Arpitano: Tsandeprà, lit. kaparangan ng pastulan); ay isang bayan at comune (komuna o munisipalidad) sa rehiyon ng Lambak Aosta, hilagang-kanlurang Italya.
Pinagmulan ng pangalan
Ang toponimo ay binubuo ng mga salitang Pranses na "Champ" (= kaparangan) at "de" (= ng), at mula sa patois ng Lambak Aosta "pra", ibig sabihin, "pastulan".
Heograpiya
Ang bayan ay matatagpuan sa Lambak Champdepraz, isang lateral na lambak ng Lambak Aosta.
Ang hidroelektrikong estasyon ng enerhiya ng Champdepraz ay gumagamit ng kapangyarihan ng tubig mula sa sapa ng Chalamy upang makabuo ng koryente. Ang punong-tanggapan ng Liwasang Likas ng Mont Avic, na itinatag noong 1989, ay matatagpuan din sa munisipalidad na ito.