Punong Ministro ng Republika ng Korea |
---|
Sagisag ng Republika ng Korea |
|
Haba ng termino | Itinalaga ng Pangulo na may pagsang-ayon ng Asemblea Nasyonal |
---|
Nagpasimula | Pak Yonghyo |
---|
Nabuo | 1895 |
---|
Ang Punong Ministro ng Timog Korea ay itinatalaga ng Pangulo na kailangan ng pagsang-ayon ng Pambansang Kapulungan. Hindi tulad ng mga punong ministro sa sistemang parlamentaryo, ang Punong Ministro ng Timog Korea ay pwedeng hindi kasapi ng parlyamentaryo. Ang Punong Ministro ay tumutulong sa Pangulo, namumuno sa mga ministro, at nagrerekomenda ng ministro. Ang Punong Ministro ay ang una sa hanay na magsisilbing gumaganap na Pangulo kung sakaling hindi maipasa ng maayos ang pwesto ng pangulo. Ang huling nakapagsilbi bilang gumaganap na pangulo ay si Goh Kun sa kasagsagan ng pagdinig sa kaso ni pangulong Roh Moo-hyun noong 2004.
Ang pwesto ay kasalukuyang hawak ni Han Seung Soo, na itinalaga ni pangulong Lee Myung Bak noong 29 Pebrero 2008.
Ang pwestong ito ay ginawa noong Agosto ng taong 1948, nang ang Timog Korea ay naitatag, at unang hinawakan ni Lee Bum Suk hanggang 1950. Ang titulo noong ay Tagapangulo ng mga miyembro ng Gabinite o Chief Cabinet Minister mula 1961 hanggang 1963.
Ang Punong Ministro na itinalaga ng pangulo subalit hindi sinang-ayunan ng Kapulungan ay tinatawag na gumaganap na Punong Ministro. Ang Punong Ministro ay nagiging gumaganap na pangulon kung ang pangulo ay namatay, nagretiro o kaya'y napatalsik.
Tingnan din
Mga Kawing panlabas
Mga Sanggunian