Ang Procter & Gamble Company (P&G) ay isang Amerikanong multinasyonal na korporasyon sa mga produktong mamimili na may punong-himpilan sa bayanan ng Cincinnati, Ohio at itinatag noong 1837 nina William Procter at James Gamble.[3] Nagdadalubhasa ang kompanyang ito sa maraming uri ng panlinis, pansariling pag-aalaga at produktong may kinalaman sa pangangalaga ng kalusugan. Organisado ang mga produkto sa mga iiang sangay kabilang ang Beauty (Kagandahan); Grooming (Pag-aayos); Health Care (Pangangalagang Pangkalusugan); Fabric & Home Care (Pangangalagang Pantela & Pambahay); at Baby, Feminine, & Family Care (Pangangalagang Pansanggol, Pambabae, & Pampamilya). Bago ang pagbenta ng Pringles sa Kellogg's, kasama rin sa portpolyo ng produkto nito ang mga pagkain, pangmeryenda, at inumin.[4] Inkorporado ang P&G sa Ohio.[5]
Noong 2014, nagtala ang P&G ng $83.1 bilyon (mahigit PHP4 trilyon) na benta. Noong Agosto 1, 2014, pinabatid ng P&G na papasimplehan ang kompanya sa pamamagitan ng pagtanggal at pagbenta sa ibang kompanya ng tinatayang 100 mga tatak mula sa portpolyo ng produkto nito upang mapunta ang tuon nila sa natitirang 65 mga tatak,[6] na naglilikha ng 95% ng kita ng kompanya. Sinabi ni A. G. Lafley—ang tagapangulo ng kumpanya, at CEO hanggang Oktubre 31, 2015—na ang P&G ng hinaharap ay magiging "mas simple, mas di-masalimuot na kumpanya ng mga nangungunang tatak na mas madaling pangasiwaan at patakbuhin".[7]
Si David S. Taylor ang kasalukuyang tagapangulo at CEO ng P&G.
Kasaysayan
Ang artikulong ito, pahina, o bahagi nito ay kasalukuyang nasa gitna ng pagpapalawig o malawakang pagbabago. Maaari ka ring tumulong sa pagsasagawa ng mga pagbabago.
Pakisilip ang mga nakaraang pagbabago kung gusto mong makipag-usap sa user na naglagay nito rito. Maaari itong tanggalin kung walang naganap na mga pagbabago sa mga susunod na araw matapos itong ipaskil dito. Maliban kung walang mga pagbabago, hindi dapat ito burahin.
Pinagmulan
Si William Procter, isang tagagawa ng kandila na ipinanganak sa Inglaterra, at si James Gamble, isang sabonero na ipinanganak sa Irlanda, ay kapwa nangibang-bayan mula sa Nagkakaisang Kaharian. Nanirahan sila sa Cincinnati, Ohio noong una at nakilala nila ang isa't isa noong ikinasal nila sina Olivia at Elizabeth Norris, mga kapatid ng isa't isa.[8] Hinikayat sila ni Alexander Norris, ang kanilang biyenang-lalaki, na maging kasosyo, at noong 1837 nalikha ang Procter & Gamble.
Noong 1858–1859, umabot ang benta ng $1 milyon. Sa puntong iyon, pinagtatrabahuan ng halos 80 empleyado ang Procter & Gamble. Noong Digmaang Sibil ng Amerika, nakakuha ang kumpanya ng mga kontrata upang matustusan ang Union Army ng sabon at kandila. Bilang karagdagan sa kitang nadagdagan noong giyera, ipinakilala ng mga kontratang militar ang mga sundalo sa buong bansa sa mga produkto ng Procter & Gamble.
Noong dekada 1880, nagsimulang magmarket ang Procter & Gamble ng bagong produkto, isang murang sabon na lumulutang sa tubig .[9] Tinawag nila itong Ivory.[9]
Si William Arnett Procter, apo ni William Procter, ay nagsimula ng programang pagbabahagi ng kita para sa lakas-paggawa ng kumpanya noong 1887. Sa pagbibigay ng istaka ng kumpanya sa mga manggagawa, wastong ipinalagay niya na malamang na hindi sila magwewelga.
Nagsimulang magtayo ang kumpanya ng mga pabrikante sa mga ibang lokasyon sa Estados Unidos dahil nakaliitan na ang kapasidad ng mga pasilidad ng Cincinnati para sa hinihinging produkto.
Nagsimulang pag-iba-ibahin din ng kumpanya ang kanyang mga produkto, at noong 1911, nagsimulang gumawa ng Crisco, isang mantika gawa sa langis-gulay sa halip ng taba ng hayop.[9] Noong sumikat ang radyo sa dekada 1920 at 1930, itinaguyod ng kumpanya ang iilang programang pangradyo.
Pandaigdigang pagpapalawak
Pumasok ang kumpanya sa mga ibang bansa, kapwa sa pagmamanupaktura at pagbebenta ng produkto, at naging pandaigdigang korporasyon ito noong kanyang pagtatamo ng 1930 ng Thomas Hedley Co.,[9] na nakabase sa Newcastle upon Tyne, England. Pagkatapos nitong pagtatamo, nagkaroon ang Procter & Gamble ng Punong-Himpilan sa UK sa 'Hedley House' sa Newcastle upon Tyne, hanggang sa kamakailan lamang, kung kailan lumpiat sila sa The Heights, Brooklands. Sa paglipas ng panahon, ipinakilala ang mararaming bagong produkto at tatak, at nagsimulang magsanga ang Procter & Gamble sa mga bagong larangan. Ipinakilala ng kumpanya ang Tide (sabong panlaba), noong 1946[10] at Prell (siyampu) noong 1947.[11] Noong 1955, nagsimulang magbenta ang Procter & Gamble ng unang tutpeyst na may plururo, na kilala bilang Crest.[9] Nagsanga muli ang kumpanya noong 1957, at ibinili nila ang Charmin (pagawaan ng papel) at nagsimulang yumari ng pang-iwang at iba pang produktong lamuymoy. Muling nakatuon ng pansin sa labada, nagsimulang yumari ang Procter & Gamble ng Downy (pampalambot ng tela) noong 1960 at Bounce (pilyegong pampalambot ng tela) noong 1972.[12]
Ang isa sa mga pinakamakabagong produkto na lumabas sa merkado ang Pampers, isang-gamit-tapon na lampin ng kumpanya, unang ipinagbili at nasubok noong 1961, ang parehong taon kung kailan inilabas ng Procter & Gamble ang Head & Shoulders.[13] Bago ang puntong ito, hindi sikat ang mga lamping isang-gamit-tapon, ngunit nakabuo ang Johnson & Johnson ng produktong tinatawag na Chux. Palaging nagsuot ang mga sanggol ng lamping tela, na tumatagas at matrabahong hugasan. Nagbigay ang Pampers ng alternatibo, ngunit may pinsala sa kapaligiran ng mas maraming basura na kailangang itambak. Sa gitna ng mga kamakailang ikinababahala ng mga magulang sa mga sangkap sa lampin, inilabas ng Pampers ang koleksyong Pampers Pure noong 2018, na isang mas "natural" na alternatibong lampin.[14]
Mga karagdagang pag-unlad
Nagtamo ang Procter & Gamble ng iilang ibang kumpanya na nagpaiba-iba sa kanyang linya ng produkto at makabuluhang itinaas ang tubo. Kabilang sa mga itinamo ang Folgers Coffee, Norwich Eaton Pharmaceuticals (ang gumagawa ng Pepto-Bismol), Richardson-Vicks, Noxell (Noxzema), Old Spice ng Shulton, Max Factor, ang Iams Company, at Pantene, bukod sa iba pa. Noong 1994, naging paulong-balita ang kumpanya dahil sa malalaking pagkalugi mula sa mga levered positions sa mga deribatibo sa antas ng interes, at kalaunang inihabla ang Bankers Trust para sa pandaraya; inilagay nito ang kanilang pamamahala sa pambihirang posisyon ng pagtetestigo sa korte na pumasok sila sa mga transaksyon na hindi nila kayang intindihin. Noong 1996, muling naging paulong-balita ang P&G noong inapruba ng Administrasyon ng Pagkain at Gamot ng baong produkto na ibinuo ng kumpanya, Olestra. Kilala rin sa kanyang tatak 'Olean', ang Olestra ay kahalili sa taba na mas mababa sa kaloriya para sa pagluluto ng potato chips at iba pang pangmeryenda.
Noong Agosto 25, 2009, inanunsyo ng Warner Chilcott, isang kompanyang parmaseutikal na nakabase sa Irlanda, na binili nila ang negsoyo ng P&G sa inireresetang gamot para sa $3.1 bilyon.[22]
Pananalapi
Para sa taong-panuusan 2018, iniulat ng Procter & Gamble ang kita ng US$9.750 billion, na may taunang kita ng US$66.832 bilyon, isang pagtaas ng 2.7% sa nakaraang taong-panuusan. Ipinagpalit ang mga bahagi ng Procter & Gamble sa higit sa $86 kada bahagi noong 2017, at pinahalagahan ang kanyang kapitalisasyon sa merkado sa higit sa US$221.5 bilyon noong Oktubre 2018.[23] Niranggo ang Procter & Gamble bilang Ika-42 sa talaan ng Fortune 500 2018 ng pinakamalaking korporasyon ng Estados Unidos ayon sa kabuuang kita.
↑Wherrity, Constance (February 21, 2006). "Dial Agrees to Buy P&G Deodorant Brands". Pierce Mattie Public Relations New York blog. Inarkibo mula sa orihinal noong May 1, 2012. Nakuha noong May 5, 2012.