Tungkol sa pangkalahatang pananaw ng mamimili ang artikulo na ito. Para sa tumatanggap ng produkto o serbisyo mula sa isang nagbebenta, tingnan ang kustomer.
Ang mamimili (Ingles: consumer) ay isang tao o organisasyon na gumagamit ng serbisyong pang-ekonomiya o paninda. Sa sistemang pang-ekonomiya, ang mga mamimili ay isang dahilan na umaapekto sa pasya kung makikipagkalakal o hindi.
Nagbabayad ang mamimili upang makagamit ng kalakal at serbisyong nililikha. Dahil dito, ang mga mamimili ay may mahalagang ginagamapanan sa sistemang pang-ekonomiya ng isang bansa. Kung walang pangangailangan mula sa mamimili, ang mga nanlilikha ay mawawalan ng pangunahing motibasyon upang gumawa ng produktong ibebenta sa mamimili. Ang mamimili ay bahagi rin ng magkabit-kabit na pamamahagi o distribusiyon.
Kumakailan lamang sa marketing, sa halip na lumikha ang mga nagmemerkado ng malawak na tanaw pang-demograpiko at tanaw pang-fisio-graphic'' ng bahagi ng merkado, nagsimula silang pumasok sa pinersonal na marketing, marketing na may permiso, at pagpapasadya para sa masa.