Porphyra umbilicalis
|
|
Klasipikasyong pang-agham
|
Dominyo:
|
|
(walang ranggo):
|
|
Kalapian:
|
|
Hati:
|
|
Orden:
|
|
Pamilya:
|
|
Sari:
|
|
Espesye:
|
P. umbilicalis
|
Pangalang binomial
|
Porphyra umbilicalis
|
Ang Porphyra umbilicalis o laber (Ingles: laver, slake[1]) ay isang uri ng lumot-dagato alga na nasa tabing-dagat na nakakain at mayroong mataas na nilalamang mga mineral na pangdiyeta, partikular na ang iyodo at uwit (suplementong yero). Malawakang kinakain ang P. umbilicalis sa Silangang Asya kung saan nakikilala ito bilang gim sa Korea at nori sa Hapon. Sa Wales, ang Porphyra umbilicalis ay ginagamit sa paggawa ng laverbread o tinapay na laber, isang tradisyunal na pagkaing Welsh. Bilang isang pagkain, matatagpuan din ang Porphyra umbilicalis sa paligid ng kanlurang dalampasigan ng Britanya at sa silangang dalampasigan ng Irlanda sa kahabaan ng Dagat Irlandes.
Makinis ang tekstura nito at bumubuo ng marupok na tila pilas ng thallus, na kadalasang nakakapit sa mga bato. Ang Porphyra umbilicalis ay ang pangunahing uri ng mga laber, na tinatawag ding Porphyra lamang o purpurang laber.[2] Ang purpurang laber ay inuuri bilang isang pulang alga (pulang lumot), na may gawi na maging kulay na parang kayumanggi, subalit nagiging isang madilim na lunting sapal kapag niluto o napakaluan. Pambihira ito sa piling ng mga lumot-dagat dahil ang mga sangang-luntian ay isang selula lamang ang kapal.[3][4] Ang nilalaman nitong mataas sa iyodo ang nagbibigay sa lumot-dagat na ito ng kakaibang lasa na kahalintulad ng sa mga oliba at sa mga talaba.[5]
Ang Ulva lactuca, na isang lunting alga (lunting lumot) na nakikilala rin bilang letsugas-dagat, ay napagkakataong nakakain bilang lunting laber, bagaman itinuturing ito bilang mas mababa ang kaurian o kalidad kaysa sa purpurang laber.[6]
Mga sanggunian
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pagkain at Halaman ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.