Ang pinsan ay isang taong itinuturing na kamag-anak, partikular na ang ugnayan o pagiging magkadugo dahil sa pinagmulang lola, lolo, o ninuno. Samakatuwid, magkakamag-anak o tuwiran at hindi tuwirang mga apo ito ng lolo at lola. Ito ang ugnayan o relasyon ng mga anak ng mga magkakapatid na nagmula sa kanilang mga magulang (ama at ina; tatay at nanay; itay at inay). Tinatawag na primo (mula sa Kastila) ang pinsang lalaki, samantalang prima naman ang pinsang babae.[1]Pinsang buo[2] ang tawag sa ugnayan ng mga anak ng magkakapatid. Pinsang-makalawa o Makalawang pinsan o pinsang-pangalawa ang ugnayan sa pagitan ng naging mga anak ng anak ng magkapatid na mga lola, mga lolo, o mga lola't lolo. Sa mga pahina ng Bibliya, may pagkakataong ginagamit ang katagang "kapatid" na ang tunay na ibig sabihin ay "pinsan".[3]