Ang Pieve Fissiraga (Lodigiano: Pieu) ay isang comune (komuna o munisipalidad) sa Lalawigan ng Lodi, rehiyon ng Lombardia, hilagang Italya, na matatagpuan mga 30 kilometro (19 mi) timog-silangan ng Milan at mga 10 kilometro (6 mi) timog ng Lodi.
Ang Pieve Fissiraga ay may hangganan sa mga sumusunod na munisipalidad: Lodi, Lodi Vecchio, Cornegliano Laudense, Borgo San Giovanni, Massalengo, Sant'Angelo Lodigiano, at Villanova del Sillaro.
Kasaysayan
Ang bayan ng Fissiraga ay naidokumento sa unang pagkakataon noong 1211.
Sa panahong Napoleoniko (1809-16), ang Andreola, Bargano, Cascina Bonora, Mongiardino Sillaro, at Orgnaga ay idinagdag sa munisipalidad ng Fissiraga, na naging awtonomiya muli sa konstitusyon ng Kahariang Lombardia-Veneto.
Mga sanggunian