Ang Pederasyon ng Malaya (Ingles: Federation of Malaya, Malay: Persekutuan Tanah Melayu; Jawi: ڤرسكوتوان تانه ملايو) ay ang naging pederasyon ng labing-isang estado (siyam na estadong Malay at dalawa sa Straits Settlements – ang Penang at Malacca)[2] na umiral mula Pebrero 1, 1948 hanggang Setyembre 16, 1963. Naging isang malayang bansa ang Pederasyon noong Agosto 31, 1957,[3] at noong 1963, binuo ito muli bilang Malaysia nang isanib ang Singapore, Hilagang Borneo, at Sarawak.[4] Ang mga magkakasamang estado na dating bumubuo ng Pederasyon ng Malaya at tinatawag ngayong Tangwaying Malaysia.
Mga sanggunian
|
---|
International | |
---|
National | |
---|
Other | |
---|