Panlabas na kaibuturan ng daigdig

Iskematikong ilustrasyon ng panloob na istruktura ng Daigdig
  1. balat na kontinental
  2. balat pandagat
  3. itaas na mantel
  4. ibabang mantel
  5. Panlabas na kaibuturan
  6. Panloob na kaibuturan

Ang panlabas na kaibuturan ng Daigdig (outer core sa Ingles) ay isang bahagi ng interyor ng naturang planeta na binubuo ng likidong bakal at nikel, may kapal na humigit-kumulang 2,260 kilometro, at matatagpuan sa ibabaw ng solidong panloob na kaibuturan (inner core) at sa ilalim ng mantel.[1] [2] [3]

Mga katangian

Hindi tulad ng panloob na kaibuturan, na isang makunat na solido, at ng mantel na mala-masilyang solido, ang panlabas na kaibuturan ay likido.[4] Ang katibayan ng likidong estado nito ay ang hindi pagdaan dito ng alon S, isang uri ng alon ng lindol (seismic waves) na nakararaan lamang sa mga solidong bagay.[5] Bagaman kapareho lang ng panloob na kaibuturan ang kemikal na komposisyon nito, mas mababa ang presyur sa lugar nito kung kaya ay nananatiling likido ang estado nito.

Sa pamamagitan ng heopisikal na kaparaanang tinatawag na seismic inversion, natantyang aabot sa 3,483±5 km ang radius ng panlabas na kaibuturan kumpara sa panloob na kaibuturan na may radius na 1220±10 km.[6] Tinatayang aabot sa 3,000–4,500 K (2,700–4,200 °C; 4,900–7,600 °F) ang temperatura ng panlabas na bahagi ng panlabas na kaibuturan at 4,000–8,000 K (3,700–7,700 °C; 6,700–14,000 °F) naman sa may hangganan nito sa panloob na kaibuturan.[7]

Habang dahan-dahang lumalamig ang panlabas na kaibuturan, ang likido sa pagitan nito at ng panloob na kaibuturan ay naninigas, na nagdudulot sa dahan-dahang paglaki ng panloob na kaibuturan at pagnipis ng panlabas na kaibuturan, sa bilis na 1 mm kada taon, katumbas ng 80,000 tonelada ng bakal kada segundo.[8]

Komposisyon

Tulad ng panloob na kaibuturan, hindi maaaring purong bakal o pinaghalong bakal at nikel ang komposisyon ng panlabas na kaibuturan dahil mas mababa ang nasukat na densidad ng panlabas na kaibuturan kumpara sa teoretikal na densidad ng purong materyales ng mga elementong nabanggit. [9] [10] [11] [12] Sa katunayan, mas mababa ang densidad ng panlabas na kaibuturan nang 5-10 bahagdan kumpara sa bakal sa kaparehong temperatura at presyur na dinaranas nito.[12] [13] [14] Kung kaya, kailangan may halong mga mas magagaang elementong kemikal ang komposisyon nito upang maipaliwanag ang obserbasyong ito.[11] [12] [13] Ayon sa mga pagtatantya kamakailan, ang panlabas na kaibuturan ay mayroong 0 hanggang 0.26% idrohino, 0.2% carbon, 0.8-5.3% oksihino, 0-4.0% silikon, 1.7% asupre, at 5% nikel batay sa timbang.[11]

Ugnayan nito sa batawang magnetiko (magnetic field) ng daigdig

Batay sa mga modelo, ang matinding init nito ay nagdudulot sa magulong pagdaloy ng kombeksyon nito, na siya namang lumilikha ng batawang magnetiko (magnetic field) na bumabalot sa daigdig.[15] Ang karaniwang lakas ng batawang magnetiko sa panlabas na kaibuturan ay tinatayang umaabot sa 2.5 millitesla (mT), na 50 beses na mas malakas sa nararanasang batawan sa ibabaw ng daigdig.[16][17]

Mga sanggunian

  1. "Earth's Interior". Science & Innovation. National Geographic. 18 January 2017. Nakuha noong 14 November 2018.
  2. Sue, Caryl (2015-08-17). Evers, Jeannie (pat.). "Core". National Geographic Society (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-04-09. Nakuha noong 2022-02-25.
  3. Zhang, Youjun; Sekine, Toshimori; He, Hongliang; Yu, Yin; Liu, Fusheng; Zhang, Mingjian (2014-07-15). "Shock compression of Fe-Ni-Si system to 280 GPa: Implications for the composition of the Earth's outer core". Geophysical Research Letters. 41 (13): 4554–4559. Bibcode:2014GeoRL..41.4554Z. doi:10.1002/2014gl060670. ISSN 0094-8276.
  4. Gutenberg, Beno (2016). Physics of the Earth's interior. Academic Press. pp. 101–118. ISBN 978-1-4832-8212-1.
  5. Jeffreys, Harold (1 June 1926). "The Rigidity of the Earth's Central Core". Monthly Notices of the Royal Astronomical Society (sa wikang Ingles). 1: 371–383. Bibcode:1926GeoJ....1..371J. doi:10.1111/j.1365-246X.1926.tb05385.x. ISSN 1365-246X.
  6. Ahrens, Thomas J., pat. (1995). Global earth physics a handbook of physical constants (ika-3rd (na) edisyon). Washington, DC: American Geophysical Union. ISBN 9780875908519.
  7. De Wijs, Gilles A.; Kresse, Georg; Vočadlo, Lidunka; Dobson, David; Alfè, Dario; Gillan, Michael J.; Price, Geoffrey D. (1998). "The viscosity of liquid iron at the physical conditions of the Earth's core" (PDF). Nature. 392 (6678): 805. Bibcode:1998Natur.392..805D. doi:10.1038/33905. S2CID 205003051.
  8. Wassel, Lauren; Irving, Jessica; Dues, Arwen (2011). "Reconciling the hemispherical structure of Earth's inner core with its super-rotation". Nature Geoscience. 4 (4): 264–267. Bibcode:2011NatGe...4..264W. doi:10.1038/ngeo1083.
  9. Birch, Francis (1952). "Elasticity and constitution of the Earth's interior". Journal of Geophysical Research (sa wikang Ingles). 57 (2): 227–286. Bibcode:1952JGR....57..227B. doi:10.1029/JZ057i002p00227.
  10. Birch, Francis (1964-10-15). "Density and composition of mantle and core". Journal of Geophysical Research (sa wikang Ingles). 69 (20): 4377–4388. Bibcode:1964JGR....69.4377B. doi:10.1029/JZ069i020p04377.
  11. 11.0 11.1 11.2 Hirose, Kei; Wood, Bernard; Vočadlo, Lidunka (2021). "Light elements in the Earth's core". Nature Reviews Earth & Environment (sa wikang Ingles). 2 (9): 645–658. doi:10.1038/s43017-021-00203-6. ISSN 2662-138X.
  12. 12.0 12.1 12.2 Wood, Bernard J.; Walter, Michael J.; Wade, Jonathan (2006). "Accretion of the Earth and segregation of its core". Nature (sa wikang Ingles). 441 (7095): 825–833. Bibcode:2006Natur.441..825W. doi:10.1038/nature04763. ISSN 1476-4687. PMID 16778882.
  13. 13.0 13.1 Poirier, Jean-Paul (1994-09-01). "Light elements in the Earth's outer core: A critical review". Physics of the Earth and Planetary Interiors (sa wikang Ingles). 85 (3): 319–337. Bibcode:1994PEPI...85..319P. doi:10.1016/0031-9201(94)90120-1. ISSN 0031-9201.
  14. Mittal, Tushar; Knezek, Nicholas; Arveson, Sarah M.; McGuire, Chris P.; Williams, Curtis D.; Jones, Timothy D.; Li, Jie (2020-02-15). "Precipitation of multiple light elements to power Earth's early dynamo". Earth and Planetary Science Letters (sa wikang Ingles). 532: 116030. Bibcode:2020E&PSL.53216030M. doi:10.1016/j.epsl.2019.116030. ISSN 0012-821X.
  15. De Wijs, Gilles A.; Kresse, Georg; Vočadlo, Lidunka; Dobson, David; Alfè, Dario; Gillan, Michael J.; Price, Geoffrey D. (1998). "The viscosity of liquid iron at the physical conditions of the Earth's core" (PDF). Nature. 392 (6678): 805. Bibcode:1998Natur.392..805D. doi:10.1038/33905. S2CID 205003051.
  16. Staff writer (17 December 2010). "First Measurement Of Magnetic Field Inside Earth's Core". Science 2.0 (sa wikang Ingles). Nakuha noong 14 November 2018.
  17. Buffett, Bruce A. (2010). "Tidal dissipation and the strength of the Earth's internal magnetic field". Nature. 468 (7326): 952–4. Bibcode:2010Natur.468..952B. doi:10.1038/nature09643. PMID 21164483. S2CID 4431270.