Natuklasan ito ni Henry Cavendish noong 1766. Kabilang rin sa mga angking katangian nitong pagkakaroon ng atomikong bilang na 1, atomikong timbang na 1.00797, punto ng pagkatunaw na 259.14 °C, punto ng pagkulong 252.5 °C, densidad na = 0.08988 gramo sa bawat litro, at balensiyang 1.[11]
Sa karaniwang temperatura at presyon ito ay walang kulay, walang amoy, hindi metaliko, nagtataglay ng isang balensiyang elektron, at mabilis magdingas o magsiklab kung nasa porma ng diyatomikong gas (may dalawahang atomo). Ito rin ang pinakamagaan at pinakamarami o pinakamalaganp na elementong likas sa buong mundo at maging sa buong sansinukob.[11] Matatagpuan ang idroheno sa tubig at sa lahat ng organikong kawi at maging sa lahat ng may bahay na may buhay. Ang idroheno din ay may kakayahan na magkaroon ng reaksiyon sa kimikal na pamamaraan sa napakaraming elemento. Maging ang mga bituin ay nagtataglay ng idroheno sa kanilang plasmang estado. Ang elemento ring ito ang ginagamit sa paggawa ng amonya — isa alternatibong panggatong at sa kasalukuyan ay mas mabisang pinanggagalingan ng mga selulang panggatong (mga fuel cell).
Nagagamit ang hidroheno sa paggawa ng sintetikong amonya at metanol. Ginagamit din ito sa pagrerepina o pagdadalisay ng petrolyo, sa hidrohenasyon ng mga materyal na organiko, at maging sa pagpapasindi ng mga sulong oksihidroheno. Sangkap din ito sa mga panggatong na pangkuwitis.[11]
Etimolohiya ng salitang hidroheno
Hango ang salitang hidroheno mula sa Kastilang salita na hidrógeno na nagmula naman sa salitang Latin na hydrogenium na hango naman sa katagang Griyego na hydro: tubig at genes: nabubuo.
↑Arblaster, John W. (2018). Selected Values of the Crystallographic Properties of Elements. Materials Park, Ohio: ASM International. ISBN978-1-62708-155-9.
↑Weast, Robert (1984). CRC, Handbook of Chemistry and Physics. Boca Raton, Florida: Chemical Rubber Company Publishing. pp. E110. ISBN978-0-8493-0464-4.
↑"Hydrogen". Van Nostrand's Encyclopedia of Chemistry. Wylie-Interscience. 2005. pp. 797–799. ISBN978-0-471-61525-5.
↑Emsley, John (2001). Nature's Building Blocks. Oxford: Oxford University Press. pp. 183–191. ISBN978-0-19-850341-5.