Ang asoge o merkuryo (Kastila: mercurio, Ingles: mercury /ˈmɜrkjʊri/ MER-kyə-ree, quicksilver (/ˈkwɪksɪlvər/) o hydrargyrum (/haɪˈdrɑrdʒɨrəm/ hye-DRAR-ji-rəm)), ay isang elementong kemikal nay may gamit sa simbolong Hg (GriyegongLatinisado: hydrargyrum, mula sa "hydr-" na ang ibigsabihin ay matubig o likido at "argyros" na ang ibig sabihin ay pilak). Ang bilang atomiko nito ay 80.
Isang mabigat at tila pilak na metal, ang asoge ay isa sa anim na elementong kemikal na tila tubig sa pangkaraniwang temperatura at presyon,[8] gaya ng sesyo, pransiyo, galyo, bromina at rubidyo. Ang asoge ang katangi-tanging metal na tila tubig na ginagamit sa panukat ng temperatura at presyun. Sa temperatura ng pagkatunaw na −38.83 °C at sa temperatura ng pagkulo sa 356.73 °C, ang asoge ang may pinakamanipis na antas kung kailan ito tila tubig kumpara sa anumaang metal.
Nahahanap ang asoge sa kung saan-sang lugar sa daigdig gaya ng mga deposito ng sinabar (cinnabar, asogeng asuprido o mercuric sulfide), na pinagkukunan ng pulang pangkulay na bermilyon, na halos nakukuha lamang sa tinastas na sinabar. Pawang nakalalason ang sinabar kapag nilanghap o nilunok ang mga alikabok nito. Ang pagkalason mula sa asoge ay maaaring resulta ng padapo sa mga natutunaw na uri nito (gaya ng asogeng klorido o mercuric chloride, o kaya methylmercury), paglanghap ng usok na asoge, o pagkain ng mga isdang na kinontamina ng elementong ito.
Ginagamit ang asoge sa mga termometro, barometro, manometro, float valve, at iba pang mga aparato. Ang mga haka-haka tungkol sa nakalalason nitong katangian ay nagdulot sa pagpapalit sa mga termometro at espigmomanometro (metrong sumusukat sa presyon ng dugo) na may laman nito sa mga ospital at iba pang klinika ng mga instrumentong ang ginagamit ay hango sa alkohol, digital, o termistor. Nananatili itong ginagamit sa iba't ibang instrumento at eksperimentong pang-agham. pati rin sa paggawa ng amalgam na ngipin sa mga operasyong dental. Sa mga pailaw, ang kuryente ay dumadaan sa usok ng asoge sa isang tubong posporo para makagawa ng isang shortwave ultraviolet na liwanag na nagdudulot ng pagkaliwanag ng posporo para makagawa ng nakikitang ilaw.
↑Arblaster, John W. (2018). Selected Values of the Crystallographic Properties of Elements. Materials Park, Ohio: ASM International. ISBN978-1-62708-155-9.