Ang International Development Law Organization (International Development Law Organization o IDLO) ay isang samahang interpamahalaan nakatuon sa pagsulong ng pananaig ng batas.
Sa magkakasamang pagtuon sa pagsulong ng pananaig ng batas at ng kaunlaran, gumagana ito upang bigyan ng kapangyarihan ang mga tao at pamayanan na makamit ang kanilang mga karapatan, at bigyan ang mga gobyerno ng kaalaman kung paano ito maisakatuparan.[1] Sinusuportahan nito ang mga umuusbong na ekonomiya at mga bansang may gitnang kita upang palakasin ang kanilang legal na kakayahan at tuntunin at pananaig ng batas para sa sostenibleng pag-unlad at oportunidad sa ekonomiya.[2] Ito ay ang nag-iisang samahang samahan na may eksklusibong mandato upang itaguyod ang pananaig ng batas at may karanasan sa pagtatrabaho sa dose-dosenang bansa sa buong mundo.[3]