Ang Pamantasang Shanghai Jiao Tong (Ingles: Shanghai Jiao Tong University, SJTU; Tsino: 上海交通大学, Shànghǎi Jiāotōng Dàxué) ay isang pampublikong unibersidad para sa pananaliksik sa Shanghai, Tsina. Itinatag noong 1896 bilang Pampublikong Paaralan ng Nanyangsa pamamagitan ng isang imperyal na kautusan na ibinigay sa pamamagitan ni Emperador Guangxu, ang unibersidad ay isa sa mga unang pambansang institusyon ng mas mataas na pag-aaral sa Tsina, at kilala bilang isa sa mga pinakamatanda, pinakaprestihiyoso at selektibong unibersidad sa Tsina. Ito ay isa sa siyam na miyembro ng Ligang C9 ng mga unibersidad.
Ang salitang "Jiao Tong" (交通), na dating niroromanisa bilang "Chiao Tung", ay nangangahulugang transportasyon o komunikasyon. Sinasalamin nito ang ugat ng unibersidad — ito ay itinatag ng Ministri ng Koreo at Komunikasyon ng huling bahaging dinastiyang Qing.
Sa buong daigdig, ang SJTU ay niraranggo bilang ika-101–150 sa buong mundo ng ARWU (2014). Ikaanim naman ito sa QS BRICS University Rankings[1] at ika-27 sa katapat na Times Higher Education.[2]