Palazzo Madama

Palazzo Madama
Palazzo Madama, luklukan Italyanong Senado
Map
Pangkalahatang impormasyon
Bayan o lungsodRoma
BansaItalya
Mga koordinado41°53′57″N 12°28′27″E / 41.8992°N 12.4743°E / 41.8992; 12.4743
Natapos1505
KliyentePamilya Medici

Ang Palazzo Madama (bigkas sa Italyano: [paˈlattso maˈdaːma]) o Palasyo Madama sa Roma ay ang luklukan ng Senado ng Republikang Italyano.[1]

Kasaysayan

Itinayo ito sa ibabaw ng mga guho ng mga sinaunang paliguan ni Neron, sa tabi ng Piazza Navona. Ang lupain ay nakuha noong Gitnang Kapanahunan ng mga monghe ng Abadia ng Farfa, na kalaunan ay ibinigay ito sa Pransiya.

Ang bagong gusali ay sinimulan sa pagtatapos ng ika-15 siglo at natapos noong 1505, para sa pamilya Medici. Tinirhan ito ng dalawang Medici na kardinal at pinsan, sina Giovanni at Giulio, na kalaunan ay naging mga papa bilang Leo X at Clemente VII, ayon sa pagkakabanggit. Dito rin nakatira si Catherine de' Medici, pamangkin ni Clemente VII, bago siya ikinasal kay Enrique, anak ni Haring Francisco I ng Pransiya noong 1533. Si Kardinal Francesco Maria Del Monte, patron ng artistang si Caravaggio, ay nanirahan doon hanggang sa kaniyang kamatayan noong 1627.

Ang kasalukuyang patsada ay itinayo noong kalagitnaan ng 1650s nina Cigoli at Paolo Maruccelli. Idinagdag ng huli ang magarbong kornisa at kakaibang dekorasyong urna sa bubong.

Tingnan din

Ang ilan pang mga gusaling institusyong Italyano:

Mga sanggunian

  1. Sito del Senato della Repubblica