Ang Operasyong Barbarossa (Aleman: Unternehmen Barbarossa) ay ang pagsakop sa Unyong Sobyetiko ng Alemanyang Nazi at mga kasamahan nito sa kapangyarihang Aksis noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig na nagsimula noong 22 Hunyo 1941. Ito ang naging pinakamalaking opensiba sa lupa sa kasaysayan, na may humigit-kumulang 10 milyong mandirigma ang nakilahok at halos 8 milyong nasawi sa pagtatapos nito.
Binuksan ng operasyon ang Silangang Hanay, kung saan mas maraming pwersa ang ginawa kaysa sa alinmang teatro ng digmaan sa kasaysayan . Nakita sa lugar ang ilan sa mga pinakamalaking labanan sa kasaysayan, pinakakasuklam-suklam na kalupitan, at pinakamataas na bilang ng nasawi, ny nakaimpluwensya sa kurso ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at sa kasunod na kasaysayan ng ika-20 siglo.
Ang Operasyon
Kahit na may kasunduan ang Alemanya at ang Unyong Sobyet na Non Agression Pact. Nagpaplano na si Hitler na sorpresahin ang Unyong Sobyet ng pag-atake. Kapag nasakop ng Alemanya ang Unyong Sobyet pipilitin nitong gumawa sila ng armas para sa Alemanya. Binalaan sila ng Inglatera na pwede silang atakihin ng Alemanya kahit anong oras ngunit hindi nakinig ang mga Ruso. Noong Hunyo 1941 inatake ng Alemanya ang Unyong Sobyet sa paglulunsad nila ng Operasyong Barbarossa (Aleman na codename para sa pagatake ng Alemanya sa unyong Sobyet).
Dahil sa surpesang pagatake nanalo sila kaagad at paurong sila ng paurong hanggang ilang kilometro nalang sila sa Moscow. Ngunit dahil sa taglamig ay nanigas ang mga gamit at pagkain nila. Kaya't napaatras sila ng mga Ruso. Nagiba ng ruta ang mga Aleman at tinangkang sakupin ang bayang ng Stalingrad. Ngunit, dahil sa opensiba ng mga Ruso sa ilalim ni Heneral Zhukov, napaatras muli sila hanggang sa naiwasan nila ang tangkang pagsakop. Dahil sa dito ang pwersa ng Unyong Sobyet ay patuloy na umuurong patungong Kanluran.