Ang OpenDyslexic ay isang malayang pamilya ng tipo ng titik na dinisenyo upang bawasan ang ilang karaniwan pagkakamali sa pagbasa dulot ng dyslexia, bagaman ang pakinabang nito ay pinag-aalinlangan ng mga pag-aaral pang-agham. Nilikha ito ni Abelardo Gonzalez, na nilabas sa lisensyang bukas na batayan o open-source.[3][4] Batay ang disenyo sa DejaVu Sans, na isa rin na bukas na batayang tipo ng titik.