Ang Olimpikong Himno, na kinikilala rin nang di-pormal na Olimpikong Awit, ay isang likhang pangmusika na nilikha ni Spyros Samaras na may titik na awit mula sa isang tula ng Griyegong makata at manunulat na si Kostis Palamas. Ang makata at ang kompositor ay parehong hinirang ni Demetrius Vikelas, isang tanyag na Griyegong Maka-Europeo at ang unang Pangulo ng IOC. Ang awit ay itinugtog sa unang pagkakataon para sa seremonya ng pagbubukas ng unang edisyon sa Palarong Olimpiko ng Atenas 1896. Sa mga sumusunod na taon bawat bansa na namumunong-abala ay nag-aatasan sa mga iba't ibang manunugtog ng pantanging Olimpikong himno ukol sa kanilang edisyon ng palaro. Ito ay nangyari hanggang sa edisyon sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 1960 sa Roma.
Ang Olympikong Himno ay maaari lamang kantahin sa wikang Griyego at sa Ingles. Ngunit sa salitang Ingles, may bersyon ng himno na hindi sinalin orihinal na Griyegong komposisyon. Ngunit ang patakarang ito ay kalimitang hindi sinusunod halimbawa ay sa Palarong Olimpiko sa Tag-lamig Torino 2006 na sa halip na buong himno at may titik ay pinutol ang himno at walang titik.