Mga sagisag ng Olimpiko

Ang mga sagisag ng Olimpiko ay ang mga sagisag at watawat na ginagamit ng Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko upang itaguyod ang Palarong Olimpiko. Ang mga ilan — tulad ng apoy, magarbong seremonya, at tikha — ay ang pinakapalasak sa panahon ng paligsahang Olimpiko, nguni't ang mga iba, tulad ng mga watawat, ay nakikita sa kabuuan ng taon.

Sawikain

Ang Olimpikong sawikain ay ang hendiatris Citius, Altius, Fortius, na ito ay wikang Latin ng "Bumibilis, Tumataas, Lumalakas". Ang sawikain ay inimungkahi ni Pierre de Coubertin sa paglikha ng Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko noong 1894. Hiniram ito ni De Coubertin mula sa kanyang kaibigang Henri Didon, isang Dominikanong pari na isa ring mahilig sa atletika. Ikinilala ang sawikain noong 1924 sa Palarong Olimpiko sa Paris.[1]

Ang sawikain ay pangalan din ng pahayagang pangkasaysayan ng Olimpiko mula 1992 hanggang 1997, nang ipinangalang muling Journal of Olympic History (Pahayagan ng Olimpikong Kasaysayan).

Isa pang di-pormal na sawikain nguni't kinilala nang karamihan, na ipinakilala rin ni De Coubertin, ay "Ang pinakamahalagang bagay ay hindi manalo nguni't maging bahagi!" Kinuha ni De Coubertin ang sawikaing ito mula sa sermon ng Obispo ng Pennsylvania sa panahon ng 1908 palarong Londres.

Mga Olimpikong singsing

Ang mga limang Olimpikong singsing ay kumakatawan ng limang lupalop at dinisenyo noong 1913, kinupkop noong 1914 at ipinakita sa Palaro sa Antwerp, 1920.

Ang sagisag ng Palarong Olimpiko ay binubuo ng limang pinadugtong-dugtong na singsing, kulay bughaw, dilaw, itim, luntian, at pula sa ibabaw ng puting linang. Ito ay likas na dinisenyo noong 1913 ni Baron Pierre de Coubertin, ang tagapagtatag ng makabagong Palarong Olimpiko. Ang mga limang singsing na ito ay sumasagisag ng pagnanasa, tagumpay, paggawa, asal at mabuting pakikipaglaro. Sa panimulang pagpapakilala, ipinahayag ni de Coubertin ang mga sumusunod sa edisyong Agosto, 1913 ng Revue Olympique:

Ang sagisag na pinili upang ilarawan at kumatawan sa pandaigdigang Konggreso ng 1914...: limang pinadugtong na mga singsing sa iba't ibang kulay - bughaw, dilaw, itim, luntian, pula - ay nakalagay sa puting linang ng papel. Ang mga limang singsing na ito ay kumakatawan ng limang bahagi ng daigdig na kasalukuyan ay nanalo sa Olimpismo at kusang tatanggapin ang malusog na paligsahan.

Sa kanyang lathalain na inilimbag sa "Olympic Revue", ang opisyal na magasin ng Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko noong Nobyembre 1992, ipinaliwanag ng mananalaysay na Amerikano na si Robert Barney na ang ideya ng pinagdugtong na singsing na dumating kay Pierre de Coubertin nang siya ay inatasan sa USFSA, isang kapisanan na itinatag ng unyon ng dalawang kapisanang pampalakasang Pranses at hanggang 1925, may tungkulin ukol sa pagkakatawan ng Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko sa Pransiya: Ang sagisag ng unyon ay dalawang pinagdugtong na singsing (tulad ng vesica piscis na panghalimbawa ng pagsalabat na singsing pangkasal) at likas na ideya ng sikyatristang Suweso na si Carl Jung sapagka't para sa kanya ang singsing ay nangangahulugang kawalang-puknat at tao.[2]

Ayon kay De Coubertin ang mga singsing nakulay ay nangangahulugan ukol sa mga kulay na ipinakita sa lahat ng mga pambansang watawat ng daigdig sa panahong yaon.

Ang Konggresong 1914 ay kinakaliangang ibimbin nang dahil sa pagsabog ng Unang Digmaang Pandaigdig, nguni't ang sagisag (at watawat) ay sumunod na tinanggap. Sila ay unang mapapasinaya nang opisyal sa Ika-VII Olimpiyada sa Antwerp, Belhika noong 1920.

Ang kasikatan at lumaganap an paggamit ng sagisag ay nagsimula sa panahon ng pagpapatiuna sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 1936 sa Berlin. Si Carl Diem, pangulo ng Lupon sa Pagsasaayos ng Olimpikong Tag-init 1936, ay ninais magsagawa ng seremonya ng mga tagapagdala ng sulo sa istadyum sa Delphi, ang pinagdausan ng tanyag na orakulo, kung saan ginanap ang Palarong Pitikos. Dahil sa layunin iniutos niya ang pagtatayo ng isang muson na may mga singisng ng Olimpiko na nakaukit sa mga gilid, at ang tagapagdala ng sulo ay dapat dalihn ang apoy kasama ang mga abay ng tatlo mula roon hanggang sa Berlin. Ipinagdiwang ang seremonya nguni't ang lapida ay hindi inalis. Sumunod, ang mga dalawang manunulat na Britano na sina Lynn at Gray Poole na dumalaw sa Delphi sa huling bahagi ng dekada 50 ay nakita ang lapida at nakatala sa kanilang "Kasaysayan ng Sinaunang Palaro" na ang disenyo ng mga singsing ng Olimpiko ay nagmumula sa sinaunang Gresya. Ito ay naging kinikilalang "Lapida ni Carl Diem".[3] Ito ay kathang-isip lamang na ang sagisag ay likas na pinagmulan sa sinaunang Griyego. Ang mga singsing ay kasunod na ginawang pang-akit nang matanyag sa mga larawang Nazi noong 1936 bilang bahagi ng isang pagpupunyagi upang dakilain ang Ikatlong Reich.

Ang kasalukuyang pananaw ng Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko (IOC) ay ang sagisag "na binibilaan ng kaisipan" na ang Kilusang Olimpiko ay sabansaan at inaanyayahan ang lahat ng mga bansa sa daigdig na lumahok.[4] Mula sa pagbasa ng Karta ng Olimpiko, ang Olimpikong sagisag ay kumakatawan ang unyon ng mga limang lupalop at pagtitipon ng mga manlalaro mula sa mga panig ng daigdig sa Palarong Olimpiko. Gayumpaman, walang lupalop ay kumatawan sa anumang tiyak na singsing. Sa kabila ng mga makukulay na paliwanag tungkol sa simbolismo ng paglaganap ng mga makukulay na singsing, ang kaugnayan lamang sa pagitan ng mga singsing at mga lupalop ay ang bilang lima ay sumasangguni sa bilang ng mga lupalop. Sa planong ito, Ang mga Amerika ay tumutunghay bilang isang lupalop, at inalis ang Antarktika. Ang kasalukuyang 5 lupalop ay Aprika, Amerika, Asya, Europa at Oseanya.

Ang itim na singsing ay maaaring mapalitan ng puting singsing kung ang sagisag ay may itim na sanligan.

Olimpikong emblema

Bawat Palarong Olimpiko ay may sariling Olimpikong alakbat, na ang mga disenyo ay pinagsama upang ibuo sa mga singsing ng Olimpiko na may isa o maraming pangkatangiang elemento. Lahat ng mga alakbat ay pantanging pag-aari ng IOC at hindi maaaring gamitin na walang pahintulot.

Watawat

Nilikha ni Pierre De Coubertin noong 1914.

Ang Olimpikong watawat [...] ay may puting sanligan, na may limang pinadugtong na mga singisng sa gitna: bughaw, dilaw, itim, luntian at pula [...] Ang disenyong ito ay hinggil sa sagisag; ito ay kumakatawan ng limang lupalop na may naninirahan ng daigdig, pinagkaisa ng Olimpismo, habang ang mga anim na kulay ay mga gumigitaw sa lahat ng mga pambasang watawat ng daigdig sa kasalukuyang panahon.

— Pierre De Coubertin (1931) [5]

Mga tiyak na watawat

May mga tiyak na watawat ng Olimpiko na nakahantad ng mga lungsod na magpupunong-abala sa susunod ng palarong Olimpiko. Nakaugalian, ang watawat ay pinapasa mula sa pununglungsod ng punung-abalang lungsod sa susunod na punong-abala sa Seremonya ng Pagtatapos, kung saan tinatanggap ng bagong punong-abala at ibinabantad sa bahay-pamahalaang panlungsod.

Watawat na Antwerp

Ang unang Olimpikong watawat ay ipinaharap sa IOC sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 1920 sa lungsod ng Antwerp, Belhika, at sa Seremonya ng Pagtatapos ng 1984 Palarong Olimpiko ng Los Angeles, ay ipinasa sa sususod na nagsasaayos na lungsod ng Olimpikong Tag-init hanggang sa Palaro ng Seoul 1988 nang ito ay naretiro. Ang Watawat na Antwerp ay kasalukuyang nakabantad sa Olimpikong Museo sa Lausanne, Swesya.

Watawat na Oslo

Ang watawat na Oslo ay ipinaharap sa IOC ng pununglungsod ng Oslo, Norwega sa panahon ng Palarong Olimpiko sa Taglamig 1952. Mula't sapul, ito ay pinapasa sa susunod na nagsasaayos na lungsod para sa Olimpikong Taglamig.

Watawat na Seoul

Ang kasalukuyang Olimpikong watawat ay ipinaharap sa IOC sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 1988 ng lungsod ng Seoul, Timog Koriya, pinapasa ito sa susunod na nagsasaayos na lungsod ng Olimpikong Tag-init.

Apoy at ang pagpasa ng sulo

Mga buwan bago ang pagganap ng Palaro, ang Olimpikong Apoy ay nakasindi sa sulo, mula sa mga sinag ng Araw na nakatampol sa parabolikong pasinag, sa lugar ng Sinaunang Olimpiko sa Olimpiya, Gresya. Ang sulo ay kasunod na inilabas sa Gresya, karamihan ay ipapadala sa mga panig ng daigdig o lupalop kung saan ginanap ang Palaro. Ang Olimpikong sulo ay dinadala ng mga manlalaro, pinuno, sikat na artista at karaniwang taong magkatulad, at sa panahon ng mga pambihirang kondisyon, tulad ng malakuryenteng paglipat sa pamamagitan ng buntala para sa Montreal 1976, o nakalublob sa ilalim ng tubig na hindi namamatay ang apot para sa Sydney 2000. Sa huling araw ng pagpasa ng sulo, ang araw ng Seremonya ng Pagbubukas, nakarating ang Apoy sa punong istadyum at ginagamit upang apuyin ang kawang na nasa mahalagang bahagi ng lugar ng pagdadausan bilang kahulugan ng simula ng Palaro. Tapos ito ay nakaiwang nakasindi sa kabuuan ng Palaro hanggang sa Seremonya ng Pagtatapos, na ito ay ginipos upang mangahulugan ang pagtatapos ng Palaro. Dalawang beses lamang nakapagdala ng Olimpikong Apoy sa humigit ng isang lupalop, na ang mga halimbawa ay Atenas 2008 at Beijing 2008, ang bandang huli na kung saan nakabilang ang lahat ng mga anim na may naninirahang lupalop.

Mga medalya

Ang mga Olimpikong medalya na ginagawad sa mga nanalo ay isa pang sagisag na ipinakahulugan sa palarong Olimpiko. Ang mga medalya ay gawa sa ginto, pilak, o tanso, at igagawad sa mga tatlong pangunahing nagtapos sa isang tiyak na kaganapan. Bawat medalya ukol sa Olimpiyada ay may karaniwang disenyo, ipinapasya ng mga nagsaayos ukol sa tiyak na palaro. Mula 1928 hanggang 2000, ang katapat na gilid ng mga medalya ay nilalaman ang larawan ni Nike, ang nakaugaliang diyosa ng tagumpay, humahawak ng palma sa kanyang kaliwang kamay at ang korona ng mga nanalo sa kanyang kanan. Ang disenyong ito ay nilikha ni Giuseppe Cassioli. Sa bawat palarong Olimpiko, ang katumbalikang gilid gayundin ang mga bansag ukol sa bawat Olimpiyada ay nagbabago, nagbubulay sa punong-abala ng palaro.[6]

Noong 2004, ang katapat na gilid ng mga medalya ay pinalitan upang maging higit na malinaw na sanggunian sa Griyegong karakter ng palaro. Sa disenyong ito, lumilipad ang diyosang Nike sa itaas ng Panatenikong isatdyum, na nagbubulay sa pagpapanibago ng palaro.[7]

Ang mga medalya para sa Olimpikong Taglamig ay walang karaniwang gilid na ang disenyo ukol sa parehong gilid ay pinapasiya ng mga nagsasaayos ng punong-abala.

Mga Awit

Halimbawa ng tunog:

Ang Olimpikong Dalit, na kinikilala rin nang di-pormal bilang Olimpikong Awit, ay tinutugtog habang itinataas ang Olimpikong Watawat. Ito ay likhang pangmusika na nilikha ni Spyros Samaras na may titik ng awit mula sa tula ng Griyegong makata at manunulat na si Kostis Palamas. Kapwa makata at ang kompositor ay nahirangan ni Demetrius Vikelas, isang matanyag na Griyegong Maka-Europeo at unang Pangulo ng IOC. Ang awit ay ipinalabas sa unang pagkakataon para sa seremonya ng pagbubukas ng Palarong Olimpiko ng Atenas 1896 subali't hindi pa ito ipinahayag na opisyal na dalit ng IOC hanggang sa 1957. Sa mga sumusunod na taon bawat bansang nagpupunong-abala ay nag-aatasan ng komposisyon ng isang pantanging Olimpikong dalit ukol sa kanilang edisyon ng Palaro. Ito ay nangyari hanggang sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 1960 sa Roma.

Ang Pangarap ni Bugler ni Leo Arnaud ay parating itinuturing ang pinakatanyag na Olimpikong tikha. Nilikha noong 1958 para sa Charge Suite ni Arnaud, ito ay likha, na higit sa anumang parangya o mga Olimpikong tikha, na kinilala ng mga Amerikano bilang Olimpikong tikha, isang kaugnayan na nagsimula nang ginamit ng ABC para sa mga brodkast para sa 1968 Olimpiko, at itinuloy ng NBC.

Naglikha si John Williams ng "Olimpikong Parangya at Tikha" para sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 1984, na ginanap sa Los Angeles. Ito ay inilabas nang kabuuan sa album na "The Official Music of the XXIIIrd Olympiad Los Angeles 1984" ("Ang Opisyal na Musika ng Ika-XXIII Olimpiyada Los Angeles 1984") at "The Official Music of the 1984 Games" ("Ang Opisyal na Musika ng Palarong 1984"), na sa bandang huli ay nagkaroon sa CD. Ang unang pagtatanghal sa nairekord ay itinanghal ng orkestra na nilikha ng mga musikerong taga-Los Angeles at kalapit nito sa ilalim ng kumpas ng kompositor. May bahagyang pagkakaiba sa pagsasaayos ng likha na inilabas sa album na Philips na "By Request: The Best of John Williams and the Boston Pops Orchestra."

Noong 1996, inilabas ang isang pamalit na bersyon ng "Olimpikong Parangya at Tikha" sa pamamagitan ng album na Summon the Heroes ("Mga Sundo ng mga Bayani") para sa Palarong Olimpiko ng Atlanta. Sa kamadang ito, ang unang bahagi ng likha ay pinalitan sa "Pangarap ni Bugler" ni Arnaud. Bagama't maaaring hindi gaanong kilala ang tikha ni Arnaud, ito ay halos hindi na alam, mula ito rin ang ginamit sa pagpapalabas ng Olimpiko.

Isa pang likha ni Williams, "Ang Diwa ng Olimpiko", na nilikha para sa Olimpikong 1988 sa Seoul at ang may inuukulang brodkast ng NBC. Ang likha ay ginamitan nang matindi ng tanso, hipan, at pingkian na bahagi.

Kotinos

Ang kotinos (Griyego: κοτινος) ay isang sangang pitogo na pinadugtong upang mabuo ang hugis na bilog. Ipinuputong ng anilyong ito ay ang gawad na ang mga manlalaro sa sinaunang Palarong Olimpiko na pinapaligsahan. Gayumpaman, ito ay hindi lamang handog; karaniwang ang manlalaro ay nakatanggap na may mapagbigay na suma ng salapi mula sa kanyang bayang-tahanan.

sa Atenas 2004 ang nakaugaliang kotinos ay nagpanibago, bagama't sa kaukulan ito ay inialay kasama ang gintong medalya. Hiwalay mula sa paggamit nito sa seremonyang-paggawad, pinili ang kotinos bilang tatak ng Palarong Olimpiko sa Tag-init 2004.

Mga maskot

Mula ang Palarong Olimpiko sa Tag-lamig 1968 sa Grenoble, Pransiya ang Palarong Olimpiko ay nakapagkaroon ng maskot, na karaniwan ay hayop na katutubo sa lugar o minsang anyong-tao na kumakatawan sa pamanang pangkultura. Ang unang pangunahing maskot sa Palarong Olimpiko ay si Misha sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 1980 na ginanap sa Moskow. Ginamit si Misha nang malawakan sa mga seremonya ng pagbubukas at pagtatapos, nagkaroon ng telebisyong pambata at gumigitaw sa mga paninda. Sa kasalukuyan, karamihan sa mga paninda ay tumutuon sa mga bata na tumututok sa mga maskot, kaysa sa Olimpikong watawat o mga sagisag pang-organisasyon.

Tingnan din

Kilusang Makabagong Olimpiko
  • Ang Olimpikong Watawat: ang watawat ay kumakatawan ng limang may naninirahang lupalop ng daigdig, pinagkaisa ng Olimpismo.
  • Ang Olimpikong Awit: tinutugtog sa mga seremonya ng pagbubukas at pagtatpos ng Palarong Olimpiko at sa tiyak na ibang mga tiyap
  • Ang Olimpikong Apoy: ang apoy na nagliliyab araw at gabi ukol sa lawi ng Palarong Olimpiko.
  • Ang Olimpikong maskot: ang hayop na katutubo sa mga lugar o minsang anyong-tao na kumakatawan ng pamanang pangkultura ng lugar kung saan ginaganap ang Palarong Olimpiko.
  • Ang Olimpikong sawikain, sa Latin: "Citius, Altius, Fortius"; ibig sabihin, "Bumibilis, Tumataas, Lumalakas".
  • Ang Olimpikong Orden: ang gawad na iginagawad ng Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko
  • Ang Olimpikong Pahayag: "Ang pinakamalagang bagay sa Palarong Olimpiko ay hindi manalo nguni't maging bahagi, karampatang bilang pinakamahalagang bagay sa buhay ay hindi ang tagumpay nguni't ang pakikipaglaban. Ang sukdulang bagay ay hindi manlupig nguni't lumaban nang mabuti.
  • Ang Olimpikong emblema: ang emblema ng bawat edisyon ng Palarong Olimpiko, kawaniwang may pinagsamang mga Olimpikong singsing na may mga ibang elemento na kumakatawan ng punong-abalang lungsod o bansa at ang kulturang ito.
  • Ang Olimpikong paskil: ang paskil ng bawat edisyon ng Palarong Olimpiko, kawaniwang may pinagsamang layunin ng Olimpiko na may mga ibang elemento na kumakatawan ng punong-abalang lungsod o bansa at ang kulturang ito.
  • Ang tatlong haligi ng Olimpiko: palakasan, kapaligiran, kultura.

Sanggunian

  1. Palaro ng Ika-VIII Olimpiyada - Paris 1924
  2. "Ang Dakilang Sagisag na Ito" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2007-06-30. Nakuha noong 2007-03-18.
  3. "Mga Logo & Maskot". 2007-02-27. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-11-24. Nakuha noong 2007-03-18. {{cite web}}: Check date values in: |date= (tulong)
  4. "Ang mga Olimpikong sagisag" (PDF). IOC. 2002. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2008-03-07. Nakuha noong 2007-03-18. [Broken link]
  5. "Ang Olimpikong Watawat". Extract from: Textes choisis II, p.470. (nakasulat noong 1931). Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-08-28. Nakuha noong 2008-08-29.
  6. http://www.olympic.org/uk/games/past/collector_uk.asp?type=3&id=35&OLGT=1&OLGY=1928
  7. http://www.olympic.org/uk/games/past/collector_uk.asp?type=3&id=44&OLGT=1&OLGY=2004

Mga panlabas na kawing


Read other articles:

Untuk kegunaan lain, lihat Salome. Salome menunjuk pada kepala Yohanes Pembaptis sebagai permintaan yang ditawarkan dari herodes, Lukisan oleh Gustave Moreau Salome adalah anak Herodias dari suami bernama Herodes Filipus (saudara Herodes Antipas, keduanya anak Herodes Agung).[1] Lalu Herodias diperistri oleh Herodes Antipas.[1] Sehingga Salome bisa disebut sebagai anak tiri Herodes Antipas.[2] Herodes Antipas adalah raja yang telah memerintahkan supaya kepala Yohanes P...

 

Oʻzbekiston Respublikasining Davlat MadhiyasiLagu kebangsaan  UzbekistanPenulis lirikAbdulla Oripov, 1992KomponisMutal Burhanov, 1947Penggunaan1992Sampel audioLagu Kebangsaan Uzbekistanberkasbantuan Sampel audioLagu kebangsaan Uzbekistanberkasbantuan Dengan vokal Lagu Kebangsaan Republik Uzbekistan (bahasa Uzbek: O‘zbekiston Respublikasining Davlat Madhiyasi) terbentuk ketika Uzbekistan masih berupa republik bagian dari Uni Soviet. Setelah kemerdekaan pada tahun 1991, lagu kebangsaan ...

 

Historic house in Virginia, United States United States historic placeWilomaU.S. National Register of Historic PlacesVirginia Landmarks Register Property entrance from U.S. Route 220Show map of VirginiaShow map of the United StatesLocationOff US 220, near Fincastle, VirginiaCoordinates37°30′53″N 79°53′20″W / 37.51472°N 79.88889°W / 37.51472; -79.88889Area40 acres (16 ha)Built1848 (1848), 1888Architectural styleGreek RevivalNRHP reference...

ماركو لانا معلومات شخصية الميلاد 13 يوليو 1968 (العمر 55 سنة)جنوة  الطول 181 سنتيمتر  مركز اللعب مدافع الجنسية إيطاليا  معلومات النادي النادي الحالي سامبدوريا (الرئيس) المسيرة الاحترافية1 سنوات فريق م. (هـ.) 1987–1993 سامبدوريا 124 (2) 1993–1997 روما 113 (2) 1997–1999 سالامانكا 60 (2) 1999–2001 �...

 

Chemical compound Monomethyl fumarateClinical dataTrade namesBafiertamLicense data US DailyMed: Monomethyl_fumarate Routes ofadministrationBy mouthATC codeNoneLegal statusLegal status US: ℞-only[1] Identifiers IUPAC name (2E)-4-methoxy-4-oxobut-2-enoic acid CAS Number2756-87-8PubChem CID5369209DrugBankDB14219ChemSpider4520322UNII45IUB1PX8RKEGGD11492ChEBICHEBI:167450ChEMBLChEMBL589586ECHA InfoCard100.018.557 Chemical and physical dataFormulaC5H6O4Molar mass130.099 ...

 

Part of a series onBritish law Acts of Parliament of the United Kingdom Year      1801 1802 1803 1804 1805 1806 1807 1808 1809 1810 1811 1812 1813 1814 1815 1816 1817 1818 1819 1820 1821 1822 1823 1824 1825 1826 1827 1828 1829 1830 1831 1832 1833 1834 1835 1836 1837 1838 1839 1840 1841 1842 1843 1844 1845 1846 1847 1848 1849 1850 1851 1852 1853 1854 1855 1856 1857 1858 1859 1860 1861 1862 1863 1864 1865 1866 1867 1868 1869 1870 1871 1872 1873 1874 1875 1876 1877 1878 ...

Sceaux 行政国 フランス地域圏 (Région) イル=ド=フランス地域圏県 (département) オー=ド=セーヌ県郡 (arrondissement) アントニー郡小郡 (canton) 小郡庁所在地INSEEコード 92071郵便番号 92330市長(任期) フィリップ・ローラン(2008年-2014年)自治体間連合 (fr) メトロポール・デュ・グラン・パリ人口動態人口 19,679人(2007年)人口密度 5466人/km2住民の呼称 Scéens地理座標 北緯48度4...

 

此條目可能包含不适用或被曲解的引用资料,部分内容的准确性无法被证實。 (2023年1月5日)请协助校核其中的错误以改善这篇条目。详情请参见条目的讨论页。 各国相关 主題列表 索引 国内生产总值 石油储量 国防预算 武装部队(军事) 官方语言 人口統計 人口密度 生育率 出生率 死亡率 自杀率 谋杀率 失业率 储蓄率 识字率 出口额 进口额 煤产量 发电量 监禁率 死刑 国债 ...

 

The United States national U-19 American football team represents the United States in under-19 international American football competitions. The US has competed in all 5 of the IFAF Junior World Championship competitions in which they finished in First Place 2 times, Second Place 2 times, and Third Place 1 time. The US has also won the IFAF International Bowl 7 times. They are currently ranked no.2 in the IFAF U-19 rankings. Top competitions for the U-19s are the IFAF Junior World Championsh...

الإمام المتوكل على الله يحيى حميد الدين فترة الحكم1904 – 17 فبراير 1948 (44 عاماً) محمد بن يحيى حميد الدين أحمد يحيى حميد الدين معلومات شخصية الميلاد 18 يونيو 1869(1869-06-18)صنعاء الوفاة 17 فبراير 1948 (78 سنة)صنعاء، اليمن مكان الدفن حي بير العزب  قتله علي ناصر القردعي  مواطنة المملكة ا�...

 

Helen Delich Bentley Helen Delich Bentley (28 November 1923 – 6 Agustus 2016) adalah seorang politikus Amerika Serikat yang menjadi anggota Partai Republik dalam Dewan Perwakilan Rakyat Amerika Serikat dari Maryland dari 1985 sampai 1995. Sebelum masuk politik, ia menjadi wartawati maritim utama dan jurnalis.[1] Referensi ^ Dresser, Michael (August 6, 2016). Helen Delich Bentley, congresswoman who was a staunch advocate of the port of Baltimore, dies. The Baltimore Sun...

 

National Basketball Association team in Houston Houston Rockets 2023–24 Houston Rockets seasonConferenceWesternDivisionSouthwestFounded1967HistorySan Diego Rockets1967–1971Houston Rockets1971–present[1][2][3]ArenaToyota CenterLocationHouston, TexasTeam colorsRed, black, gray, anthracite, white[4][5]         Main sponsorCredit Karma[6]PresidentGretchen Sheirr[7]General managerRafael StoneHead coachIme UdokaO...

  لمعانٍ أخرى، طالع نقاش (توضيح). مصريون يتناقشون 1878م النقاش شكل من أشكال التواصل والتفاعل العفوي بين شخصين أو أكثر، ويتم وفق قواعد آداب معينة، ويُدرج ضمن علم الاجتماع الذي يدرس هيكل وتنظيم التفاعل الإنساني، لكنه يركز بشكل أكثر تحديدا على التخاطب. نقاش عند مدخل مبنى في...

 

Ada usul agar Puncak digabungkan ke artikel ini. (Diskusikan) Para pendaki dari Republik Dominika di puncak gunung tertinggi di dunia, Gunung Everest. Pemandangan dari puncak gunung tertinggi di Swiss, Monte Rosa Puncak gunung adalah sebuah titik di atas permukaan yang lebih tinggi dalam hal ketinggian ketimbang seluruh titik yang berada di dekatnya. Puncak gunung tertinggi di dunia adalah Gunung Everest dengan ketinggian 8848.86 m di atas permukaan laut (29.032 kaki). Pendakian puncak g...

 

British animal welfare charity For other uses, see Blue Cross (disambiguation). Blue CrossFounded1897; 127 years ago (1897)FocusAnimal veterinary treatment, rehoming and owner supportLocationBurford, Oxfordshire, EnglandArea served United KingdomRevenue £36.05 million (2020)[1]Employees 779 (2020)[1]Volunteers 4,327 (2018)[2]Websitehttps://www.bluecross.org.uk Blue Cross is a registered animal welfare charity[3] in the United Kingdom, founded...

Mountain in Snowdonia, North Wales Cribin FawrCribin Fawr from Maesglase, with Craig Portas to the leftHighest pointElevation659 m (2,162 ft)Prominence93 m (305 ft)ListingHewitt, Nuttall, sub-HuMPCoordinates52°43′20″N 3°47′08″W / 52.7221°N 3.7855°W / 52.7221; -3.7855NamingLanguage of nameWelshGeographyLocationSnowdonia, WalesParent rangeCadair IdrisOS gridSH817150Topo mapOS Explorer OL23 Cribin Fawr is a mountain in Snowdonia, North...

 

Questa voce o sezione sull'argomento vescovi statunitensi non cita le fonti necessarie o quelle presenti sono insufficienti. Puoi migliorare questa voce aggiungendo citazioni da fonti attendibili secondo le linee guida sull'uso delle fonti. Leonidas Polkvescovo della Chiesa episcopale degli Stati Uniti d'America Incarichi ricoperti Vescovo missionario in Arkansas Vescovo della Louisiana  Nato10 aprile 1806 a Raleigh Ordinato diacono1830 Ordinato presbitero1831 Consacrato vesco...

 

Bayern-Landshut mit Oberbayern (ohne Bayern-Straubing) 1373–1392 Die vier bayerischen Teilherzogtümer nach der Landesteilung von 1392 Als Bayerische Landesteilung werden Verträge bezeichnet, mit denen einige bayerische Herrscher aus dem Haus Wittelsbach im 13. und 14. Jahrhundert das Gebiet des Herzogtums Bayern unter sich aufteilten. Dabei waren teilweise einzelne Teilherzogtümer auch mit außerbayerischen Teilen des wittelsbachischen Herrschaftsgebiets verbunden. Inhaltsverzeichnis 1 ...

Adriano GèNazionalità Italia Calcio RuoloAttaccante Termine carriera1954 CarrieraGiovanili 1935-1936 Sampierdarenese Squadre di club1 1936-1937 Pontedecimo? (?)1937-1938 Liguria0 (0)1938-1939 Messina18 (8)1939-1940 Savona23 (13)1940-1941 Ilva Savona19 (6)1941-1942 Cuneo23 (25)1942-1943 Atalanta28 (12)1944 Genova 189312 (8)1945-1946 Atalanta17 (4)1946-1948 Cremonese33 (7)1948-1949 Cosenza28 (4)1949-1951 Casertana49 (33)195...

 

Francesco Aguglia Deputato del Regno d'ItaliaDurata mandato23 novembre 1892 –29 settembre 1919 LegislaturaXVIII, XIX, XX, XXI, XXII, XXIII, XXIV GruppoparlamentareSinistra costituzionale CollegioAlbano Laziale (XVIII-XXI)Termini Imerese (XXII-XXIV) Incarichi parlamentariXXI Membro della Commissione generale del bilancio e dei conti amministrativi (3 luglio 1900 - 6 febbraio 1902; 13 marzo 1902 - 18 ottobre 1904) XXII Membro della Giunta generale del bil...