Nagmumula sa 1975 ang kasaysayan ng Noyabrsk, kung kailang bumaba ang isang pangkat lulan ng helikopter sa yelo ng Ilog Itu-Yakha upang simulan ang pagpapaunlad ng minahan ng langis ng Kholmogorskoye. Noong Nobyembre 1976, dumating sa lugar ng magiging lungsod ang unang pangkat ng mga tagapagtayo ng daambakal at humimpil sa tabi ng Lawa ng Khanto na may gawaing magtatag ng isang pamayanan. Noong Oktubre 26, 1977, opisyal na inirehistro ang pamayanan Noyabrsk, na lumago sa paligid ng estasyong daambakal ng Noyabrskaya. Ipinasiyang gamitin ang pangalang "Noyabrsk" sa halip ng isa pang ipinanukalang pangalan na "Khanto", upang pairalin ang ala-ala ng unang pagdating noong Nobyembre 1976, sapagkat ang salitang Ruso ng Nobyembre ay "ноябрь" (noyabr). Ang pamayanan ay ginawaran ng katayuang pampamayanang paggawa (work settlement) noong Nobyembre 12, 1979, at katayuang panlungsod noong Abril 28, 1982.[3]
Kontemporaryong kasaysayan at krimen
Noong panahong Sobyet isang nakasarang lungsod ang Noyabrsk na karamihan sa populasyon ay mga propesyonal na nagbigay ng ilang proteksiyon mula sa panlabas na impluwensiya ng krimen. Sa pagbukas nito noong dekada-1990 kasunod ng pagbuwag ng Unyong Sobyet at kalakip ng industriyang langis at gas na napapanatili ang may kataasang antas na pamumuhay sa kabila ng kawalan ng katiyakang ekonomiko sa mga panahong iyon, naging kapaki-pakinabang ang negosyo ng bawal na gamot (o iligal na droga) at nagpalapit ng masasamang mga elemento mula sa ibang mga rehiyon. Pinalala ng sitwasyon ang kapulisan at mga opisyal na nasusuhulan at hindi sinanay upang harapin ang suliranin at ng pangkalahatang kakulangan ng mga trabaho para sa mga tinedyer. Ibinalita sa pambansang telebisyon at ibang mga midya ang sitwasyon ng pagkalulong sa bawal na droga sa Noyabrsk, at dumating ang mga samahang pampamahalaan at pangmamamayan upang labanan ang suliranin.[8]
Noong Marso 17, 2009, ipinadala sa hukuman ang kasong kriminal na isinampa laban sa alkaldeng si Nikolay Korobkov. Ayon sa panig ng tagausig, nilipat niya ang ilang ari-ariang pangmunisipyo sa isang pampribadong kompanya kahit na wala siyang kapangyarihan na gawin.[9]
Ang karaniwang edad ng populasyon ay higit sa 30 taong gulang lamang.[12]
Ekonomiya
Nakabatay ang ekonomiya ng Noyabrsk sa paggawa ng hidrokarburo. Ang Noyabrsk ay himpilan ng mga operasyon ng dalawang pangunahing mga kompanya.[12] Ang Gazpromneft–Noyabrskneftegaz ay isang pangunahing sangay na prodyuser ng langis ng Gazprom Neft.[13] Ito ang pinakamalaking kompanya ng langis sa Yamalo-Nenets Autonomous Okrug at bumubuo sa 6% ng kabuuang produksiyon ng langis sa Rusya. Sa panig naman ng likas na gas, ang Gazprom dobycha Noyabrsk na isa sa tatlong pangunahing mga sangay ng Gazprom ay may taunang produksiyon ng 85 bilyong metro kubiko.[12] Magkabagay ito sa 9.3% ng kabuuang taunang produksiyon ng gas ng Gazprom.[14] Nagpapatakbo ito ng ilang mga gas field sa paligid ng lungsod. Sa hilagang-silangan ay mga gas field ng Vyngapurovskoye na inilunsad noong 1978 at Vyngayakhinskoye na inilunsad noong 2006. Sa hilagang-kanluran naman ang mga gas field ng Komsomolskoye na inilunsad noong 1993 at Zapadno-Tarkosalinskoye na inilunsad noong 1996. Ang pangunahing kapakinabangang pangnegosyo ng Gazprom dobycha Noyabrsk ay ang mababang primerang halaga ng produksiyon. Nagbibigay rin ang kompanya ng mga panglilingkod ng nagpapatakbo sa produksiyon ng gas at kondensasyon at paglilinis ng gas (gas treatment).[15] Karagdagan ang higit sa 1,000 mga kompanya na nagbibigay ng mga paglilingkod para sa industriya ng langis at gas at suporta para sa imprastrakturang panlipunan ng lungsod.[12]
Transportasyon
Matatagpuan ang Paliparan ng Noyabrsk mga 6 kilometro (3.7 milya) sa kanluran ng lungsod. Isa itong makabagong paliparan na may kakayahang makapaglapag ng malalaking mga eroplano.[12] Kadalasang may mga lipad patungong Moscow (mga paliparan ng Domodedovo o Vnukovo), habang ilang beses sa isang linggo naman ang mga lipad papuntang maraming mga lokasyon tulad ng Salekhard. Nakahati ang lungsod sa dalawang bahagi: ang isang mas-maliit na katimugang bahagi na Noyabrsk-I at ang mas-malaking hilagang bahagi na Noyabrsk-II, kapuwa may sariling estasyon ng daambakal. Ang linyang daambakal ay naghihiwalay ng bahaging pampamahayan ng lungsod sa mga pook pang-industriya na naglilingkod sa mga minahan ng langis.
↑ 2.02.12.2Russian Federal State Statistics Service (2011). "Всероссийская перепись населения 2010 года. Том 1" [2010 All-Russian Population Census, vol. 1]. Всероссийская перепись населения 2010 года [2010 All-Russia Population Census] (sa wikang Ruso). Russian Federal State Statistics Service. {{cite web}}: Invalid |ref=harv (tulong)
↑ 3.03.1Charter of the Municipal Formation of the City of Noyabrsk, adopted on January 1, 2006