Ang New Orleans (/ˈɔːrl(i)ənz,_ɔːrˈliːnz/,[3]lokal /ˈɔːrlənz/;[4]Pranses: La Nouvelle-Orléans[la nuvɛlɔʁleɑ̃](pakinggan)) ay isang pinagsama-samang parokyang-lungsod sa Ilog Mississippi sa timog-silangang rehiyon ng estado ng Estados Unidos ng Louisiana. May isang populasyon na 383,997 sang-ayon sa senso noong 2020 ng Estados Unidos,[5] ito ang pinakamataong lungsod sa Louisiana. Nagsisilbing isang pangunahing daungan, tinuturing ang New Orleans bilang isang ekonomiko at pangkomersyong sentro para sa mas malawak na rehiyong Baybaying Gulpo ng Estados Unidos.
Kilala ang New Orleans sa buong mundo sa kakaibang musika nito, natatanging diyalekto, lutuing Kreolo, at taunang pagdiriwang at pista nito, pinakakilala ang Mardi Gras. Ang Kuwadrang Pranses ang makasaysayang sentro ng lungsod na tanyag sa arkitekturang Kreolong Kastila at Pranses at masiglang panggabing buhay sa may Kalye Bourbon. Naisalarawan ang lungsod bilang ang "pinakakakaiba" sa Estados Unidos,[6][7][8][9] malaking bahagi nito sa pamanang salungatang-kalinangan at maramihang-wika.[10] Karagdagan pa nito, unti-unting nakikilala ang New Orleans bilang ang "Hollywood sa Timog" dahil sa prominenteng pagganap nito sa industriya ng pelikula at sa popular na kultura.[11][12]
Itinatag noong 1718 ng kolonistang Pranses, minsan naging pangteritoryong kabisera ng Louisianang Pranses bago naging bahagi ng Estados Unidos noong 1803 sa Pagbili ng Louisiana. Pangatlong pinakamataong lungsod ang New Orleans noong 1840 sa Estados Unidos,[13] at ang pinakamalaking lungsod sa Amerikanong Timog mula sa panahon ng Antebellum hanggang sa pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa kasaysayan, napakamadaling bahain ang lungsod, dahil sa mataas na antas ng pag-ulan, mababang elebasyon, hindi magandang likas na paagusan, at pagiging malapit nito sa anyong tubig. Naglagay ang mga awtoridad ng Estado at pederal ng mga kumplikadong sistema ng levees at mga pambombang paagusan sa isang pagsisikap na ipagsanggalang ang lungsod.[14][15]