Ang Estado ng Louisiana (bigkas: /lu·wi·si·ya·na/ (Ingles: State of Louisiana, bigkas: /lōō-ē'zē-ăn'ə/)[5]) ay isang estado ng Estados Unidos. Ang Louisiana ay nasa Katimugan ng Estados Unidos. Nagkaroon ito ng populasyon na humigit-kumulang sa 4,533,372 katao noong 2010. Ang estado ay mayroong kabuoang area o pook na humigit-kumulang sa 51,885 mi kuw (134,382 km2). Ang Louisiana ay ang ika-25 na pinakamalaking estado batay sa populasyon at ang ika-31 pinakamalaking estado batay sa area. Nakikilala rin ang Louisiana sa pamamagitan ng palayaw nitong "Ang Estadong Pelikano" (The Pelican State). Ang lupain na magiging Louisiana ay binili noong Pagbili sa Louisiana (Louisiana Purchase) noong 1803. Ang Louisiana ay naging isang estado noong Abril 30, 1812. Ito ang ika-18 estado na naging bahagi ng Estados Unidos (Mga Nagkakaisang Estado). Ang mga taong naninirahan sa estado ay tinatawag bilang mga Louisiano (mga Louisianan).[6] Ang kabisera ng estado ay ang Baton Rouge, at ang pinakamalaking lungsod nito ay ang New Orleans (Bagong Orleans).
Ang Louisiana ay mayroong mga kapatagan sa may baybayin, mga latian, at mabababang mga gulod. Ang kalahatan (kabuoan) ng estado ay nasa loob ng Sinturon ng Araw. Ang Louisiana ay nasa rehiyong subtropikal, at mayroong isang ekosistemang sari-sari at iba't iba.
Isang-ikatlo () ng mga adulto sa Louisiana ay labis ang katabaan. Ito ang pinakamataas na antas sa Estados Unidos.[7]
Mga sanggunian
May kaugnay na midya tungkol sa
Louisiana ang Wikimedia Commons.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.