Ang salitang Negev (Hebreo: נֶגֶב, bokalisasyong Tiberyano: Néḡeḇ) ay nagmula sa salitang ugat sa Ebreo na nangangahulugang "tuyo". Sa Bibliya, ginagamit rin ang salitang Negev para sa direksiyong 'timog'.
Heograpiya
Mahigit kalahati ng buong Israel ay sakop ng Negueb, na may laki ng higit sa 13,000 kilometrong parisukat (4,700 milyang parisukat), halos 55% ng buong bansa. Bumubuo ito ng hugis parisukat na baligtad, kung saan ang kanlurang bahagi nito ay kadugtong ng disyerto ng Tangway ng Sinai, at ang silangang bahagi nito ay ang lambak ng Arabah.