Ang Tulay ng Magapit ay isang nakasuspindeng tulay (suspension bridge) na may habang 257 m (843 tal) upang i-ugnay ang silangan at kanlurang mga dako ng Ilog Cagayan sa Lal-lo, Cagayan. Ibinuksan noong 1978, ibinubuhat nito ang Daang Maharlika sa pagitan ng mga Barangay ng Bangag at Magapit sa Lal-lo. Binansagan ng mga naninirahan doon ang tulay bilang "Golden Gate of Cagayan." Ito ay isa sa dalawang natatanging mga tulay sa lalawigan na tumatawid sa ibabaw ng Ilog Cagayan, ang isa pa ay Tulay ng Buntun.
Ang yumaong si Engr. Angel G. Villanueva ay ang inhinyero ng proyekto ng Nakasuspindeng Tulay ng Magapit sa ilalim ng IWCDC (pagmamay-ari ng mga Dy) at mga tagasangguning Hapones.
Pagsasaayos
Isinailalim ang tulay sa isang pagsasaayos na nagsimula noong Mayo 16, 2012 at natapos noong Nobyembre 20, 2012. Pansamantalang nilingkuran ng mga bangkang ferry ang trapiko sa kasagsagan ng pagsasaayos. Tinatayang nasa 100 milyong piso ang halaga ng proyektong pagsasaayos. [1]
Mga sanggunian
- ↑ DPWH: Magapit Bridge closed starting May 16 for repair "Archived copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-08-05. Nakuha noong 2012-05-28. CS1 maint: archived copy as title (link)