Ang Mycobacterium leprae ay isang bacterium na nagsasanhi ng ketong (leprosy) na isang nakakahawang sakit na umaapekto sa balat at nerbiyong periperal.[1] It o ay kilala rin naleprosy bacillus o Hansen's bacillus. Ang ketong ay nangyayari sa lahat ng edad ngunit magagamot na makakaiwas sa mga kapansanan.[2] Ito ay natuklasan noong 1873 ng doktor na Norwegian na si Gerhard Armauer Hansen na naghahanap ng bacteria sa mga nodula ng balat sa mga pasyenteng may ketong. Ito ang unang bacterium na natukoy na nagsasanhi ng ketong sa tao.[3]