Ang Monte San Giusto ay isang komuna (munisipalidad) sa Lalawigan ng Macerata sa rehiyon ng Marche ng Italya, na matatagpuan mga 45 kilometro (28 mi) timog ng Ancona at mga 14 kilometro (9 mi) timog-silangan ng Macerata.
Ang mga unang pamayanan sa lugar ng Sangiustese, na dokumentado sa kasaysayan, ay nagmula sa panahon ng mga Romano (edad ni Nerva 96-98 AD), na may pangalan ng Mons Iustitiæ (isa pang posibleng sinaunang pangalan ay Telusiano), na nawasak kasama ng mga paglusbo ng mga barbaro noong ikatlong siglo.
Mga tanawin
Naabot ng Monte San Giusto ang pinakamataas na ningning pagkatapos ng halalan kay Niccolò Bonafede bilang obispo ng Chiusi, na binago ang bayang kinalakhan sa isang tunay na korte ng Renasimyento.