Ang Modigliana (Romañol: Mudgiâna) ay isang comune (komuna o munisipalidad) sa Lalawigan ng Forlì-Cesena sa Italyanong rehiyon ng Emilia-Romaña, na matatagpuan mga 50 kilometro (31 mi) timog-silangan ng Bolonia at mga 20 kilometro (12 mi) timog-kanluran ng Forlì.
Mula 1850 hanggang 1986, ang Katedral ng Modigliana ay ang luklukan ng Diyosesis ng Modigliana.[4]
Ang Modigliana ay may hangganan sa mga sumusunod na munisipalidad: Brisighella, Castrocaro Terme e Terra del Sole, Dovadola, Marradi, Rocca San Casciano, at Tredozio.
Pisikal na heograpiya
Teritoryo
Napapaligiran ng mga burol ng Apeninong Tuscano-Romagnolo, ang teritoryo ng Modigliana[5] ay isa sa mga pangunahing sentro ng Lambak Tramazzo. Tinatawid ito ng mga batis ng Ibola, Acerreta, at Tramazzo na magkasamang umaagos upang mabuo ang Marzeno, na dumadaloy sa Lamone malapit sa Faenza.
Pinagmulan ng pangalan
Ayon sa ilan, ang pinagmulan ng pangalan[6] ay nagmula sa Castrum Mutilum, o "napuruhang kastilyo". Ayon sa iba, maaaring hango ito sa Latin na pangalan ng taong Mutilus o Mutillius.[7]
Mga sanggunian
Mga panlabas na link