Ang artikulong ito, pahina, o bahagi nito ay kasalukuyang nasa gitna ng pagpapalawig o malawakang pagbabago. Maaari ka ring tumulong sa pagsasagawa ng mga pagbabago.
Pakisilip ang mga nakaraang pagbabago kung gusto mong makipag-usap sa user na naglagay nito rito. Maaari itong tanggalin kung walang naganap na mga pagbabago sa mga susunod na araw matapos itong ipaskil dito. Maliban kung walang mga pagbabago, hindi dapat ito burahin.
Mister Internasyonal (Wikang Ingles: Mister International) ay isang taunang internasyonal na patimpalak para sa kalalakihan na itinatag noong 2006 ng isang taga-Singapore na si Alan Sim. Matapos ang pagpanaw ni Sim noong Oktubre 12, 2022, nahati ang organisasyon, na nagresulta sa pagkakaroon ng dalawang magkahiwalay na grupo na parehong gumagamit ng pangalang Mister International. Isa sa mga grupong ito ay ang patimpalak ng organisasyong Mister International (MI) na nakabase sa Pilipinas.
Ang kasalukuyang may hawak ng titulo ay si Francisco Zafra, Mister International 2024, mula sa Espanya. Siya ay kinoronahan noong Nobyembre 10, 2024, sa Toledo, Cebu, Pilipinas. Sa pagkapanalo ni Jose Calle bilang Mister International 2023, na mula rin sa Espanya, naitala ang kauna-unahang sunod na tagumpay (back-to-back) sa nasabing patimpalak, pati na rin para sa kanilang bansa.[1]
Kasaysayan
Ang panlalaking patimpalak ay itinatag noong 2006 ni Alan Sim, na yumao noong Oktubre 12, 2022. Pagkatapos ng kanyang pagpanaw, nahati ang patimpalak sa dalawang organisasyon na parehong gumamit ng magkaparehong pangalan.[2] Ang isang organisasyon ay nakabase sa Thailand, sa pamumuno ni Pradit Pradinunt, at ang isa pa ay nakabase sa Pilipinas,[3] sa pamumuno ni Manuel Deldio.[4][5] Ang unang runner-up ng Mister International 2022, si Lukanand Kshetrimayum mula sa India, ay itinalaga bilang bagong managing director ng Mister International Organization na nakabase sa Pilipinas.[6][7][8]