Ang May Bukas Pa ay isang Pilipinong drama serye na ipinalabas sa Primetime Bida ng ABS-CBN mula 2 Pebrero 2009 hanggang 5 Pebrero 2010.[1] Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Jerome Chavez Pobocan, Jojo A. Saguin, at Erick C. Salud at panulat nina Dindo Perez, Shugo Praico, at Ayis de Guzman. Pinalitan ito ng Agua Bendita noong 8 Pebrero 2010.
Produksiyon
Karamihan sa mga eksena ng palabas ay nakuhanan sa San Guillermo Parish Church Barangay Cabambangan & Municipal Hall ng Bacolor sa Barangay Calibutbut ng ika-4 na klase ng munisipalidad ng Bacolor, Pampanga. Ang iba sa mga eksena ay kinunan sa ibang mga munisipalidad ng Pampanga tulad ng Minalin pati na rin ang kabisera nito na San Fernando, Kalakhang Maynila, at iba pang mga probinsya tulad ng Zambales, Laguna, at Bataan.
Mga Sanggunian
- ↑ http://www.abs-cbnnews.com/entertainment/01/28/09/abs-cbn-reveals-new-february-shows
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.