Ang Marciana Marina ay isang bayan at komuna (munisipalidad) sa lalawigan ng Livorno, rehiyon ng Toscana, Italya, isa sa pinakamahalagang bayan ng Pulo ng Elba. Ito ay matatagpuan sa antas ng dagat, na may halos 2,000 na naninirahan.
Mayroong maliit na marina (Circolo della Vela Marciana Marina), dalawang maliliit na baybayin at isang lumang Torre Medicea, na itinayo upang protektahan ang lungsod noong nakaraan mula sa madalas na pagsalakay ng mga pirata.
Ang pasyalan mula sa lumang bahagi ng lungsod (tinatawag na Il Cotone) hanggang sa Torre Medicea ay nagpapanatili ng orihinal na arkitektoniko at urbanistikong mga katangian noong ika-18 siglo.
Taon-taon ay tahanan ito ng Gantimpalang Pampanitikang La Tore ng Pulo ng Elba.[4]