Ang manga na seinen (青年漫画) ay isang manga na minimerkado o tinatarget ang mga batang lalaking adulto.[1] Sa wikang Hapones, literal nangangahulugan ang salitang "seinen" bilang "kabataan," subalit ang katawagang "manga na seinen" ay ginagamit din upang ilarawan ang tinatarget na mambabasa ng komiks tulad ng Weekly Manga Times at Weekly Manga Goraku na nilalayon para sa mga lalaki mula sa gulang 20 hanggang nasa linyang 50. Iniiba ang manga na seinen sa manga na shōnen na para sa mga mas batang lalaki, bagaman ma ilang manga na seinen tulad ng xxxHolic na may pagkakapareho sa manga na "shōnen." Maari ituon ng manga na seinen sa aksyon, politika, kathang-isip na pang-agham, pakikipagrelasyon, palakasan o komedya. Ang babaeng katumbas ng manga na seinen ay manga na josei.
Mga magasin
Ito ang talaan ng mga nangununang mga seinen na manga sa Hapon na magasin sa sirkulasyon mula 1 Oktubre 2009 hanggang 30 Setyembre 2010.[2]