Magkaroon

Huwag itong ikalito sa pagkamiron o miron. Tumuturo dito ang sarilinin, ngunit tingnan din ang pagsasarilinan.

Ang magkaroon (Ingles: to have) ay isang uri ng partikulo sa pangungusap na may kaugnayan sa pag-iral, pag-aangkin, o pagkakaroon (Ingles: have). Katumbas ito ng may, mayroon, meron, mayron.[1] May kaugnayan din ito sa pag-iral o pamamarati ng isang bagay o katangian.

Paggamit ng may at mayroon

Kaugnay ng balarila para sa Wikang Tagalog o Wikang Filipino, may kani-kaniyang tamang kagamitan ang may at mayroon:[2]

May

Ginagamit ang may kapag sinusundan ang may ng isang pandiwa, pangngalan, panghalip na paari, pang-uri, at salitang may pantukoy na sa:[2]

Mga halimbawa

Sinusundan ng pandiwa
  • "May ginagawa ba si Rosa?"[2]
Sinusundan ng pangngalan
Sinusundan ng panghalip na paari
  • "May akin ako, at may kaniya siya." [2]
Sinusundan ng pang-uri
Sinusundan ng salitang may pantukoy na sa

Mayroon

Ginagamit ang mayroon kapag may nakasingit na kataga o salita sa pagitan ng pangalan at ng mayroon, o kaya sa gitna ng pandiwa at ng mayroon. Ginagamit din ang mayroon bilang pangsagot sa isang tanong.[2]

Mga halimbawa

Kapag nasisingitan ng kataga o salita
  • Mayroon ba tayong panauhin?
  • Mayroon bang makakain sa inyo?[2]
Kapag gumaganap na pangtugon sa katanungan
  • Tanong: "May kusilba ba tayo?"
  • Sagot: "Mayroon.[2]

Mga sanggunian

  1. Blake, Matthew (2008). Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org http://www.bansa.org/dictionaries/tgl/. {{cite ensiklopedya}}: Missing or empty |title= (tulong)
  2. 2.00 2.01 2.02 2.03 2.04 2.05 2.06 2.07 2.08 2.09 De Guzman, Maria Odulio (1968). "Ang Paggamit ng May at Mayroon, Tungkol sa Balarila". The New Filipino-English / English-Filipino Dictionary. National Bookstore (Lungsod ng Mandaluyong) ISBN 9710817760., pahina vi.

WikaPilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Wika at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.