Nagbago ang lutuing Koreano sa daan-daang taong ng pagbabago sa lipunan at politika. Nagmula sa mga sinaunang tradisyon sa agrikultura at nomadismo sa Korea at timog Manchuria, isang kumplikadong interaksiyon ang lutuing Koreano ng kalikasan at iba't ibang uso sa kultura.[1][2]
Pangunahing nakasalig ang lutuing Koreano sa bigas, gulay, pagkaing-dagat at (kahit sa Timog Korea lamang) karne. Halos walang deyri sa tradisyonal na diyetang Koreano.[3] Pinangalanan ang mga tradisyonal na Koreanong ulam para sa bilang ng mga pamutat (반찬; 飯饌; banchan) na ipinapares sa sinaing na kanin. Inihahain ang kimchi sa halos lahat ng kainan. Kabilang sa mga karaniwang sangkap ang langis ng linga, doenjang (pinangasim na bins), toyo, asin, bawang, lugaw, gochugaru (taliptip na sili), gochujang (pinangasim na siling pula) at petsay.
Ang mga sahog at ang mga luto ay nakakaiba sa bawat lalawigan. Mayroong maraming mga makabuluhang panrehiyong luto na naging parehong pambansang at rehiyonal na luto. Maraming mga luto na dating pangrehiyon, gayunman, ay naiiba sa mga pagkakaiba-ibang uri sa mga ibat-ibang rehiyon ng bansa. Ang Lutong Koreano para sa Koreanong Hari dati ay nagdala ng lahat ng mga natatanging rehiyong luto para sa mga kapamilya ng hari.
Mga sanggunian