PAALALA: Maaaring naglalaman ang pahinang ito ng mga simbolong pamponetikong IPA.
Ang Hanja ay ang isang salitang Koreano para sa kanilang Panulat na Tsino. Ito ay tumutukoy sa mga titik Tsino na hiniram mula sa Wikang Tsino at isinama sa Wikang Koreano kasama ang mga ponetiko nito. Ang Hanja-mal o ang hanja-eo ay tumutukoy sa mga salitang maaaring isulat kasama ang hanja, at ang hanmun (한문, 漢文) ay tumutukoy sa panulat ng mga Sinaunang Tsino, subalit ang "hanja" ay mas kadalasang ginagamit upang tukuyin ang lahat ng konsepto nito. Dahil hindi gaano nagbago ang hanja, ang mga ito ay halos kahalintulad ng sa panulat na tradisyunal na Tsino at sa mga karakter na kyūjitai. Iilan lamang sa mga titik hanja ang binago o bukod tangi.
Datapwat mayroon isang ponetikong Koreanong alpabeto na nabuo ng isang pangkat ng mga dalubhasa na tinalaga ni Haring Sejong, na ngayon ay kilala bilang hangul, hindi agad naging malawaka ang paggamit dito hanggang noong huling bahagi ng ika-19 na dantaon hanggang unang bahagi ng ika-20 dantaon. Kaya, noong mga panahon na iyon, kinakailangan na mahusay sa pagbasa at pagsulat ng hanja upang maging isang muwang na Koreano, dahil sa karamihan ng mga literaturang Koreano at ang ibang mga dokumentong Koreano ay nakasulat sa hanja. Ngayon, ang Hanja ay may iba nang ginagampanan. Ang mga iskolar na nains mag-aral ng kasaysayan ng Korea ay kailangang matutong magbasa ng hanja upang mabasa ang mga dokumentong pangkasaysayan. Para sa karaniwang Koreano, ang pag-aaral ng ilang hanja ay nakakatulong ng malaki sa kanila upang maunawaan ang mga salitang bumubuo dito. Hindi isinusulat ang hanja sa pagsusulat ng mga katutubong salitang Koreano, kung saan hangul ang ginagamit, at kahit ang mga salitang hango sa wikang Tsino - hanja-eo (한자어, 漢字語) — ay mas kadalasang isinusulat din sa alpabetong hangul.
Edukasyon
Ang hanja ay itinuturo sa hiwalay na kurso sa mga mataas na paaralan sa Timog Korea, na nakahiwalay sa normal na kurikulum ng wikang Koreano. Ang pormal na pag-aaral ng hanja ay nagsisimula sa ika-pitong baitang (junior high school) at nagpapatuloy hanggan sa sila ay makapagtapos sa senior high school sa ika-12 baitang. May kabuuang 1,800 na hanja ang itinuturo: 900 para sa junior high, at 900 ulit sa senior high (simula sa ika-10 baitang)[1] Ang ilang pag-aaral ng hanja pagkatapos sa mataas na paaralan ay ipinagpapatuloy ng ilang mga pamantasan.[2]
Datapwat mabilisang inabandona ng Hilagang Korea ang malawakang paggamit ng hanja pagkatapos ng kanilang kalayaan,[3] ang bilang ng mga hanjang itinuturo sa mababang paaralan at mataas na paaralan sa Hilagang Korea ay mas marami pa kaysa sa 1,800 na itinuturo sa Timog Korea.[4] Una nang nanawagan si Kim Il-sung sa unti-unting pag-abandona sa paggamit ng hanja,[5] subalit iniba niya ang kanyang desisyon noong dekada '60; Bilang resulta, isang aklat ng mga panulat na karakter na Intsik ang ginawa para sa mga paaaralan sa Hilagang Korea upang gamitin ng mga mag-aaral mula sa ika-5 hanggang ika-9 na baitang, at naglalaman ng 1,500 na mga karakter, at may 500 dagdag pa para naman sa mga mag-aaral sa ika-10 hanggang ika-12 baitang.[6] Ang mga mag-aaral sa kolehiyo ay may karagdagang 1,000 karakter at may sa buong panahon ng pag-aaral ng hanja sa Hilagang Korea ay may tuos na 3,000 mga karakter.[7]
Mga Pinagkuhaan
Brown, R.A. (1990). "Korean Sociolinguistic Attitudes in Japanese Comparative Perspective". Journal of Asia Pacific Communication. 1: 117–134.
DeFrancis, John (1990). The Chinese Language: Fact and Fantasy. Honolulu: University of Hawaii Press. ISBN0-8248-1068-6.
Hannas, William. C. (2003). The Writing on the Wall: How Asian Orthography Curbs Creativity. Philadelphia: University of Pennsylvania Press. ISBN0-8122-3711-0.
↑Hannas 1997: 71. "A balance was struck in August 1976, when the Ministry of Education agreed to keep Chinese characters out of the elementary schools and teach the 1,800 characters in special courses, not as part of Korean language or any other substantitive curricula. This is where things stand at present"
↑Hannas 1997: 67. "By the end of 1946 and the beginning of 1947, the major newspaper Nodong sinmun, mass circulation magazine Kulloja, and similar publications began appearing in all-hangul. School textbooks and literary materials converted to all-hangul at the same time or possibly earlier (So 1989:31)."
↑Hannas 1997: 68. "Although North Korea has removed Chinese characters from its written materials, it has, paradoxically, ended up with an educationa program that teachers more characters than either South Korea or Japan, as Table 2 shows."
↑Hannas 1997: 67. "According to Ko Yong-kun, Kim went on record as early as February 1949, when Chinese characters had already been removed from most DPRK publications, as advocating their gradual abandonment (1989:25)."
↑Hannas 1997: 67. "Between 1968 and 1969, a four-volume textbook appeared for use in grades 5 through 9 designed to teach 1,500 characters, confirming the applicability of the new policy to the general student population. Another five hundred were added for grades 10 through 12 (Yi Yun-p'yo 1989: 372)."