Ang lungaw[1], simboryo[2] o domo[1] ay isang pag-aaring katangiang panggusali sa larangan ng arkitektura na pangkaraniwang kahawig ng pang-itaas na hatì ng isang timbulog o esperong nasa ituktok ng isang gusali. Sa ibang pakahulugan, isa itong bubong na kahugis ng biniyak na bao. Tinatawag din itong langit-langitan, palyo (partikular na ang sa altar), bubida, "limbo", "yungib", o "kuweba".[1]
Isa itong katangiang-kasangkapan na nagpapahintulot sa maraming mga pampananampalataya at mga pampamahalaang mga gusali upang mamukod-tangi, sapagkat madaling makita at makilala ang isang mahalagang gusali, katulad ng isang palasyo, simbahan, o kaya isang templo. Gayundin, kapag nagsasalita ang isang tao habang nakikipag-usap sa iba pang mga tao habang nasa loob o nasa ilalim ng isang simboryo, nagiging mas malakas ang tunog ng tinig.
↑Blake, Matthew (2008). "Dome". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org., makikita sa DomeNaka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine..
Ang lathalaing ito na tungkol sa Arkitektura ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.