Ang Labanan ng Mons Lactarius (kilala rin bilang Labanan ng Vesuvius) ay nangyari noong 552 o 553 sa panahon ng Digmaang Gotiko na isinagawa sa ngalan ni Justiniano I laban sa mga Ostrogodo sa Italya.
Pagkatapos ng Labanan sa Taginae, kung saan napatay ang haring Ostrogodo na si Totila, nakuha ng Bisantinong general na si Narses ang Roma at kinubkob ang Cumae. Tinipon ni Teia, ang bagong haring Ostrogodo, ang mga labi ng hukbong Ostrogodo at nagmartsa upang mapawi ang pagkubkob, ngunit noong Oktubre 552 (o unang bahagi ng 553) tinambangan siya ni Narses sa Mons Lactarius (modernong Monti Lattari) sa Campania, malapit sa Bundok Vesubio at Nuceria Alfaterna. Ang labanan ay tumagal ng dalawang araw, at si Teia ay napatay sa labanan. Ang kapangyarihang Ostrogodo sa Italya ay inalis, at marami sa natitirang mga Ostrogodo ay nagtungo sa hilaga at (muling) nanirahan sa timog Austria. Pagkatapos ng labanan, ang Italya ay muling sinalakay, sa pagkakataong ito ng mga Franco, ngunit sila rin ay natalo at ang tangway ay, sa loob ng ilang panahon, ay muling naisama sa Imperyo.
Mga sanggunian