Kim delos Santos

Kim delos Santos
Kapanganakan
Kim Nicole Gehring de los Santos

(1981-07-23) 23 Hulyo 1981 (edad 43)
NasyonalidadPilipino-Amerikano
TrabahoNars, dating artista
Aktibong taon1989–2004 (bilang artista)
2011–kasalukuyan
Kilalang gawaRosenda, T.G.I.S., Anna Karenina
AsawaDino Guevarra (k. 2002–10)

Si Kim Nicole Gehring de los Santos (ipinanganak noong Hulyo 23, 1981[1] sa New Jersey, Estados Unidos[2]), mas kilala bilang Kim delos Santos, ay dating artista at personalidad sa telebisyon sa Pilipinas na naging nars sa Texas, Estados Unidos. Unang lumabas si Kim sa pelikulang Rosenda (1989) na ang pagganap bilang batang aktres ay nagawaran siya ng parangal ng Film Academy of the Philippines (o FAP, literal sa Tagalog: Akademya ng Pelikula ng Pilipinas) bilang Pinakamahusay na Gumaganap na Bata. Lubos siyang nakilala sa pagbida niya sa mga seryeng pantelebisyon na Anna Karenina at T.G.I.S..

Karera

Pagiging artista

Nagsimula ang karera ni Kim sa paglabas sa pelikula noong 1989 na Rosenda kung saan gumanap siya bilang anak ng mga karakter nina Janice de Belen at Gabby Concepcion.[3] Nagawaran siya ng parangal ng FAP bilang Pinakamahusay na Gumaganap na Bata sa pelikulang iyon.[4]

Nagkaroon siya ng pangalan sa daigdig ng shobis nang lumabas siya sa mga seryeng pantelebisyon ng GMA Network na T.G.I.S. at Anna Karenina habang nakakontrata sa Viva Films.[5] Tumagal ang Anna Karenina ng anim na taon mula 1996 hanggang 2002 na siyang pinakamatagal na seryeng pandrama na umere sa GMA Network.[6] Ginampanan ni Kim ang papel na Nina,[6] isa sa tatlong pangunahing karakter ng serye na umere tuwing linggo ng hapon.[7] Ang dalawang iba pang pangunahing karakter ay sina Anna (ginampanan ni Antoinette Taus) at Karen (ginampanan ni Sunshine Dizon).[6]

Sa pangkabataang palabas na T.G.I.S., ginampanan ni Kim ang papel na Tere Gonzaga.[8] Una siyang pinares sa karakter ni Dingdong Dantes na Iñaki.[9] Nang naglaon ang serye pinares ang karakter ni Kim sa karakter ni Dino Guevarra na David.[6] Pumasok ang karakter na ito noong 1998.[6] Naging tanyag ang tambalang Dino at Kim kaya nagsama din sila sa mga pelikulang Dahil May Isang Ikaw, My Pledge of Love, Lahat ng Ito'y Para Sa 'Yo at Honey, My Love, So Sweet.[4]

Lumabas din si Kim sa iba pang pelikula tulad ng Where 'D' Girls 'R' (1996),[1] Laging Naroon Ka (1997),[10] at Azucena (1998).[11] Naroon din siya sa bersyong pelikula ng T.G.I.S. ang T.G.I.S.: The Movie (1997).[10]

Pagiging nars

Noong 2004, iniwanan niya ang shobis at pumunta sa Estados Unidos.[12] Nag-aral siya doon sa isang paaralan ng pagna-nars at naging nars ng dialisis sa isang klinika sa Houston, Texas[13] habang nagtatrabaho sa isang restawran.[14][15] Pinagpatuloy pa niya ang kanyang pag-aaral at nagtapos ng Maestro sa Agham ng Narsing at naging Tagapagsanay ng Pagnanars ng Sikiyatrikong Kalusugang Pangkaisipan.[16][17]

Personal na buhay

Ama ni Kim si Hormaidas delos Santos na namatay noong 2015 at may kapatid din si Kim na dating batang aktor, si Eddie delos Santos.[18] Nagngangalang Dolores ang kanyang ina na isang Amerikano.[19] Nagkaroon si Kim ng problema sa tiroideo na dahilan ng pagbigat ng kanyang timbang.[20]

Naging magkasintahan sila ng kanyang katambal sa pelikula at telebisyon na si Dino Guevarra.[21] Sibil silang naikasal sa San Juan, Kalakhang Maynila noong Enero 9, 2002 at ang noo'y Alkalde ng San Juan na si JV Ejercito ang nagkasal sa kanila.[20] Nailahad ang kuwentong pag-ibig nina Kim at Dino sa isang episodyo ng Magpakailanman sa GMA Network noong 2003.[22] Naghiwalay sila noong 2004 at napawalang-bisa ang kasal noong 2010.[23][4] Noong 2013, nagkipagkasundo siya sa isang lalaki[23] subalit naudlot din ang kanilang relasyon.[24]

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 "Kim de los Santos - Rotten Tomatoes". www.rottentomatoes.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-02.
  2. "Kim De Los Santos". www.myheritage.com. Nakuha noong 2023-11-02.
  3. Mendoza, Ruel J. (2017-07-28). "Maine total fangirl to '90s teenstar Kim delos Santos". Tempo. Nakuha noong 2023-11-02.
  4. 4.0 4.1 4.2 Mendoza, Ruel J. (2011-11-22). "Former teen actress Kim delos Santos in town for vacation; has long cut communication with ex-husband Dino Guevarra". PEP.ph (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-11-02. Nakuha noong 2023-11-02.
  5. Paglicawan, Mc Richard (2015-11-24). "Maine Mendoza posts tweet on "Ikaw Lamang"; former actress Kim delos Santos reacts". LionhearTV (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-02.
  6. 6.0 6.1 6.2 6.3 6.4 Anarcon, James Patrick (2020-01-30). "Anna Karenina 1996 cast: WHERE ARE THEY NOW". PEP.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-02.
  7. "Afternoon TV dramas in the '90s". PEP.ph (sa wikang Ingles). 2008-05-14. Nakuha noong 2023-11-02.
  8. "Then and Now: Kim delos Santos". www.gmanetwork.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-02.
  9. Anarcon, James Patrick (2021-01-05). "Remember when Dingdong Dantes was paired with Kim delos Santos in T.G.I.S?". PEP.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-02.
  10. 10.0 10.1 "Kim de los Santos". TVGuide.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-02.
  11. "Azucena | Philippine Film Archive". philippinefilmarchive.fdcp.ph. Nakuha noong 2023-11-02.
  12. Layug, Margaret Claire (2021-07-16). "Kim delos Santos opens up about struggles as a nurse in US: 'They call me names, I used to cry'". GMA News Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-02.
  13. Franco, Bernie V. (2021-07-16). "Kim delos Santos reveals doing odd jobs in the U.S. before becoming a nurse". PEP.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-02.
  14. Abunda, Boy (2005-09-21). "He says, she says". Philstar.com. Nakuha noong 2023-11-02.
  15. "Kim delos Santos opens up about being a nurse, failed relationships". PEP.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-02.
  16. Mendoza, Ruel (2022-10-22). "TGIS star Kim delos Santos, misyon na makatulong sa mga may depression at anxiety". Philstar.com. Nakuha noong 2023-11-02.
  17. Acar, Aedrianne (2023-10-17). "Kim delos Santos survives car accident in Texas". www.gmanetwork.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-02.
  18. Mendoza, Ruel (2015-11-19). "Dating teen star na si Kim delos Santos, nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama". Philstar.com. Nakuha noong 2023-11-02.
  19. "Kim de los Santos | Actress". IMDb (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-02.
  20. 20.0 20.1 Amoyo, Aster (2002-01-16). "Kim at Dino, ikinasal ni Mayor JV". Philstar.com. Nakuha noong 2023-11-02.
  21. "Look: Former T.G.I.S. Actor Dino Guevarra Life Now After Showbiz – Pixelated Planet" (sa wikang Ingles). 2020-02-08. Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-11-02. Nakuha noong 2023-11-02.
  22. #MPK: The Kim Delos Santos And Dino Guevarra Love Story (Full Episode), nakuha noong 2023-11-02
  23. 23.0 23.1 Navalta, Daniel Joseph (2017-06-06). "Whatever happened to Kim delos Santos?". Kami.com.ph - Philippines news. (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-02.
  24. Layug, Margaret Claire (2021-07-16). "Has Kim delos Santos moved on from her split with Dino Guevarra in 2004?". GMA News Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-02.