- Isa itong pangalang Koreano; ang apelyido ay Kim.
Si Kim Jung-hwa (ipinanganak Setyembre 9, 1983) ay isang artista mula sa Timog Korea.
Karera
Sumikat siya nang lumabas siya sa sitcom noong 2002 na Nonstop 3, at pagkatapos noon, gumanap siya bilang pangunahing tauhan sa mga Koreanovelang 1% of Anything (2003) at Snow White: Taste Sweet Love (2004), gayon din sa mga pelikulang Spy Girl (2004) at The Elephant on the Bike (2007). Nagkaroon din siya ng suportang pagganap sa iba pang Koreanovela tulad ng Glass Slippers (2002) at Into the Sun (2003).[1]
Personal na buhay
Kinasal si Kim sa kompositor ng kontemporaryong musikang Kristiyano at misyoneryo na si Yoo Eun-sung nong Agosto 24, 2013.[2][3]
Mga sanggunian
Panlabas na kawing
May kaugnay na midya tungkol sa
Kim Jung-hwa ang Wikimedia Commons.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.