Kastilang Riyoplatense

Ang Kastilang Riyoplatense ay isang diyalekto ng wikang Kastila na pangunahing sinasalita sa Río de la Plata sa Arhentina at Urugway at sa mga karatig nito.

Mga panghalip at pandiwa

Tulad ng ibang mga uri ng Kastila sa Latinoamerika, hindi ginagamit ang panghalip na vosotros ni ang mga anyong pampandiwang nauugnay dito; sa halip, ginagamit ang ustedes. Halos lagi ring napapalitan ang gamit ng at ng mga anyong pampandiwang nauugnay dito ng gamit ng vos.

Ponolohiya

Nabubukod ang Kastilang Riyoplatense sa ibang mga uri ng Kastila sa pagbigkas ng ilang mga katinig:

  • Iisa ang tunog ng ll at ng y, at binibigkas silang pareho nang [zh] o nang [sh]: calle [ká·zhe] o [ká·she], proyecto [pro·zhék·to] o [pro·shék·to].
  • Sa ilang mga purok, madalas hindi binibigkas sa pawatas ang huling r: especificar [eh·pe·si·fi·ká]. Bagaman madalas itong mapupuna sa karaniwang pagsasalita, itinuturing ito sa ilang mga lugar bilang pamamaraan ng pagsalita ng mga walang pinag-aralan.a

Talasalitaan

Sumusunod ang isang tala ng mga salitang tangi sa Riyoplatense at ang kanilang mga katumbas o kahulugan sa Tagalog o Inggles.

  • pollera – saya
  • decir macanas – magsalita nang walang saysay
  • playa – parkingan
  • ambo – (two-piece) suit
  • ¡Che! – Hoy!
  • canilla – gripo
  • pibe – lalaki
  • piba – babae
  • añares – ages (tulad ng sa Hace añares que … – ‘It’s ages since …’)
  • cebador – choke (in car)
  • copetín – aperitif
  • desquicio – gulo
  • gramilla – damuhan
  • pileta – swimming pool
  • quilombo – mess, whorehouse
  • sobre el pucho – straight away
  • yerra – branding [with a hot iron]
  • tilingo – fussy, soft in the head

Lunfardo

Ang Lunfardo ay isang makulay na pamamaraan ng pagsalita ng Kastilang nadevelop noong hulihang dulo ng ika-19 dantaon at ng simula ng ika-20 dantaon sa mga mabababang uri ng Buenos Aires at ng mga karatig nito.

Maraming mga pananalita ng Lunfardo ang napasok sa wikang popular at naging mahalagang bahagi ng Kastilang sinasalita sa Arhentina at Urugway. Iilan ang nakilala mismo rin ng Real Academia Española. Madalas natatagpuan ang Lunfardo sa liriks ng mga tanggo at nagbibigay ng mga nuance at mga double entendre na may mga pahiwatig ng seks, droga, at krimen.

Sumusunod ang isang tala ng mga salitang unique sa diyalekto ng Buenos Aires at ang kanilang mga katumbas o kahulugan sa Tagalog o Inggles.

  • bacán – lalaki (man)
  • cafishio/cafisio – pimp
  • cana – pulis, kulungan
  • cerebrar – pag-isipan
  • darse un cañazo – makipagtalik
  • falluto – taong mayabang, ipokrito
  • falopa – ipinagbabawal na gamot, droga
  • fiaca – katamaran
  • minga – hindi, wala
  • farabute – tanga, wretch
  • gil – tanga
  • menega – pera
  • manyar – unawain, alamin
  • mina – babae (woman), nobya
  • micho – dukha
  • mortar – kumain
  • otario – tanga

Mga panlabas na kawing