Ang Kalye Colon (Sebuwano: Dalan Colon;, Español:Calle Colon. pagbigkas sa wikang Kastila: [koˈlon]) ay isang makasaysayang kalye sa bayanang Lungsod ng Cebu na kadalasang tinatawag na pinakaluma[1][2][3] at pinakamaikling[4] kalsadang pambansa sa Pilipinas. Ipinangalan ito kay Cristóbal Colón (Christopher Columbus).[5] Itinayo noong 1565, mababakas ng kalye ang pinagmulan nito kay Miguel Lopez de Legazpi, ang mananakop na Kastila na dumating sa Pilipinas upang magtatag ng kolonya noong ika-16 na dantaon, at ginawa sa kalaunan ang kalye sa ilalim ng kanyang pamumuno.[6][7]
Naging sentro ito ng mga aktibidad pang-komersyo at pang-negosyo sa Lungsod ng Cebu, subalit noong maagang dekada 1990, nalipat ang karamihan ng aktibidad na mga ito sa ibang lugar na makabago, mas malaki, at iba't ibang distritong komersyal.[8]
Makasaysyang pananda ng Kalye Colon sa Filipino (kaliwa) at Sebuwano (kanan)
Noong 2006, iminungkahi ng Sangguniang Panlungsod ng Lungsod ng Cebu ang isang plano na isarado ang bahagi ng Kalye Colon mula sa trapikong pangsasakyan at gawin ito sonang panturismo.[9] Bagaman, tinutulan ito ng mga negosyante at motorista dahil sa mga alalahanin sa seguridad at espasyo ng paradahan.[10]