Ang Kalakhang Museo ng Maynila (Inggles: Metropolitan Museum of Manila) (binansag na Met) ay isa sa mga pangunahing museo sa lungsod na matatagpuan sa loob ng Hugnayang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa distrito ng Malate ng Maynila. Ito ay nakatala bilang nangungunang museo sa bansa para sa makabago at magkapanabay na sining biswal para sa mga lokal at pandaigdigang artistang biswal.[1]
Itinatag noong 1976, ang Met ay unang inilabas ang mga likha ng pandaigdigang artistang biswal upang itambad ang mga Pilipino sa mga magkapanabay na likhang biswal ng ibang bansa. Noong 1986, ang katumbakan nito ay lumipat sa mga likhang lokal at pinalawig ang pag-abot sa mga karaniwang tao sa pamamagitan ng pag-aalok pandalawahang-wikang teksto ng ekshibisyon at pagbuo ng mga iba't ibang programang pang-edukasyon sa pag-abot tulad ng mga palihan at mga panayam, sa gayon nagtataguyod ng lokal na karangalan at pagkakilanlan. Ang museo ay nagbibigay ng libreng pagpasok tuwing Martes.[2] Bahagyang tinustusan ng Bangko Sentral ng Pilipinas, ang pangangasiwa ng museo ay ipinagkatiwala sa Pundasyong Kalakhang Museo ng Maynila noong 1979.[3]
Ang tatlong palapag ng mga galerya ng museo ay nagtatahan ng koleksyon ng mga artepaktong pansining at pangkasaysayan na pinahiram ng BSP tulad ng mga gawa sa ginto at palayok na bago dumating ang mga Kastila, mga likhang-sining panrelihiyon pati na rin ang iba pang mga likhang-sining ni Felix Resurreccion Hidalgo. Ang natitirang museo ay inaalay sa mga magkapanabay na likhang Pilipino mula sa iba't ibang Pilipinong artistang biswal.
Mga koleksyon
Nagpapakita ang Kalakhang Museo ng Maynila ng mga biswal na sining. Narito ang mga permanenteng eksibisyon tulad ng mga gawang ginto at palayukan noong ika-8 hanggang ika-13 dantaon sa Pilipinas.[4] Kabilang sa koleksyong ginto ang mga singsing pampalit o barter rings na ginagamit bilang isang uri ng pananalapi.[4] Dagdag pa sa koleksyong ginto ang mga alahas, palamuti at mga pirasong bagay para sa isang ritwal.[4] Samantala, kabilang sa mga koleksyong palayukan ang mga sisidlang ataol, ritwal na mga piraso at mga gamit pambahay tulad ng mga pinggan, pitsel, plorera, panalok at iba pa.[4]
Mayroon din ang Kalakhang Museo ng Maynila ng mga koleksyong sining tulad ng mga pinta, iskultura at imprenta na gawa sa karamihan ng mga alagad ng sining na Pilipino.[4]
Mga sanggunian
Mga panlabas na kawing
|
---|
International | |
---|
National | |
---|
Academics | |
---|
Artists | |
---|
People | |
---|
Other | |
---|